Ikaw ba ay may inaasam-asam?
Kamusta na ang iyong pangarap?
Naabot mo na ba? O hanggang ngayon ay isang panaginip lamang?
As a motivational speaker in the Philippines, it has been my greatest desire to help others to reach their dreams. If you have a serious desire to make your dreams a reality and want a FREE COACHING SESSION, I suggest, tapusin mo ang pagbabasa ng blog na ito.
First, MOTIVATE YOURSELF
Walang ibang pwedeng mag-motivate sayo kundi ang sarili mo.
Motivation must come from within. Dahil kung hihintayin mo na may mag-push sa’yo, tiyak na walang mangyayari.
Why? What if, kung walang mag-motivate? Eh kung may marinig ka sa iba, hindi encouragement ang maririnig mo kundi discouragement.
Just ignore and keep on motivating yourself. Isipin mo ang mga pangarap mo, ang mga mahal mo sa buhay at kung ano-ano pa na magbibigay sayo ng inspiration at motivation para mag trabaho.
Second, DISCIPLINE YOURSELF
Napakadali mag-umpisa pero napakahirap tapusin.
Ito na ang parte na nakakaranas kana ng katamaran, at feeling mo na nakakapagod na ang iyong ginagawa. Napakahalaga ng disiplina para matapos mo ang isang bagay. Isa ito sa mga susi sa matagumpay na buhay. Kung hindi mo didisiplinahin ang sarili mo, ikaw din ang talo at kawawa sa huli.
Third, BELIEVE IN YOURSELF
Maniwala ka sa sarili mo. I believe this is one of the biggest determinant of success. Paano maniniwala ang ibang tao sayo kung ikaw mismo walang bilib sa sarili mo at sa pangarap mo?
Maniwala ka, marami ang mga taong magnanakaw ng iyong mga pangarap. Maraming tao ang hindi maniniwala sa kakayahan mo. Hindi mo kayang makumbinsi ang ibang tao kung hindi mo rin kayang kumbinsihin ang iyong sarili.
Maniwala ka na may magandang patutunguhan ang hardwork mo. Maniwala kang aanhin mo ang mga tinatanim mo ngayon. Maniwala kang yayaman ka, at mababago ang takbo ng buhay mo.
Fourth, NEVER GIVE UP ON YOURSELF
Kahit anong hirap ang danasin mo, huwag kang aayaw.
Paano ka uunlad kung ikaw ay aayaw at hindi lalaban.
Mawala na ang lahat, huwag lang ang pag-asa.
Hindi ka pwedeng sumuko sa buhay.
Paano na ang iyong pangarap?
Paano ang pinangako mo sa mahal sa buhay?
Paano na yung edukasyon, bahay, bakasyon minimithi mo?
Paano na yung tulong na nais mong ibigay sa magulang mo?
Huwag mong hahayaang maiwan ang iyong sarili sa pansitan.
Kahit anong mangyari, huwag kang aayaw!
“Walang magbibigay ng katuparan sa ating pangarap sa buhay kundi ang ating sarili”
-Chinkee Tan, Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY
- Do you work hard for your dreams?
- Ano-ano ang mga ihanda mong isakrispisyo para sa mga goals at pangarap mo?
- Naniniwala ka ba na kaya mo?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.