“Cannot take photo.”
Yan ang nakikita nating message kapag sinubukan nating mag-picture o mag-video pero punong-puno na ang memory ng phone natin.
Nahihirapan din ba kayong magbura ng pictures and videos sa inyong mga gadgets? May kasama kasi itong memories na feeling natin baka makalimutan na natin. Sa dami ng mga happening sa ating buhay, hindi imposibleng makalimot nga tayo.
Pero mga kapatid, magka-memory gap na tayo sa ibang bagay huwag lang sa pitong ito:
ANG ATING MGA MAGULANG
(Photo from this Link)
Kailan natin silang huling dinalaw?
Kailan natin huling naiparamdam na mahal natin sila?
Alahanin nating sila ang nag- aruga sa atin nung tayo ay baby pa.
HUMBLE BEGINNINGS
(Photo from this Link)
Para mas lalo nating ma-appreciate ang mga bagay na meron tayo at ang mga makukuha palang natin, ugaliin natin lumingon kung saan tayo nagsimula.
MGA TAONG TUMULONG SA ATIN
(Photo from this Link)
We are who are now because of the people who helped us. Kapiranggot man ang naitulong ng isang tao sa atin, bahagi pa rin sila ng ating tagumpay.
KUNG SAAN TAYO NADAPA
(Photo from this Link)
Para magkaroon ng katuturan ang ating mga pagkakamali, huwag nating kakalimutan kung saang butas tayo nahulog.
TAGUMPAY NATIN
(Photo from this Link)
Isang patunay na walang imposible sa taong pursigido. Kung minsan tayong nanalo, kaya natin itong ulitin.
MAHAHALAGANG OKASYON NG ATING BUHAY
(Photo from this Link)
Anniversaries, birthdays and other important dates of our loved ones. Let us not live our lives just trying to get things done. We should also know how to value the things that truly matter.
ANG DIYOS
(Photo from this Link)
Ang Diyos lang ang kasama natin in every season of our lives. Tinutupad Niya ang Kaniyang mga pangako at lubos ang pagmamahal sa atin.
“Sa lahat ng LABAN SA BUHAY, hindi ka IIWAN at PABABAYAAN ng DIYOS”
-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY
- When was the last time you remembered the people who helped you?
- Have you thanked God for all the blessings He has given you?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.