Stressful makipag-usap sa mga taong buo na ang pasya at ayaw ng makinig. Para kang nakikipagusap sa pader.
Lahat kasi ng sinasabi mo ay parang walang kwenta at saysay. Naririnig lang ang boses mo pero hindi ka naman pinapakinggan.
Kasi nga naman, naka-set na ang kanilang isipan sa gusto nilang mangyari.
At kung hindi nila nakuha ang kanilang gusto, dadaanin sa galit para masindak ka. O kaya’y iiyak na lang para ma-guilty ka.
Ano ang gagawin mo kung may nakakasama kang ganitong klaseng tao?
1. HUWAG MONG SABAYAN
Apoy sa apoy.
Inis sa inis.
Galit sa galit.
Lalo lang lalala at lalaki ang issues at problema.
Kailangan pahupain mo muna.
Let cooler heads prevail para maayos ang usapan.
2. KUMUHA NG EMISARYO
Makiusap ka sa mga taong malalapit sa kanya. Kung hindi siya nakikinig sayo dahil biased na siya. Maari na makinig siya sa mga iba na pinagkakatiwalaan niya.
3. PRAY FERVENTLY
Parati kong dinadaan sa dasal everytime may naiiisip akong kausap na taong galit, inis, frustrated at unreasonable na at tipong wala na siya na tamang pag-iisip dahil ginagamit na niya ang kanyang damdamin.
Ang isa sa mga pinaka -paborito kong verse sa bible is, “We battle not against flesh and blood but against the spirit of principalities.”
Ano ba mga ito?
Ito yung spirit ng anger, rage, unforgiveness, pride, arrogance, vengeance, insecurity and more.
Ipag pray natin ang mga taong nakakaramdan ng ganitong mga emosyon para maliwanagan sila at mapukaw ang damdamin ng banal na Espiritu.
THINK. REFLECT. APPLY.
May kilala ka bang taong unyielding?
O, pwede ba natin aminin na ikaw mismo ay nagiging ganyan?
Ano ang natutunan mo sa blog na ito?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help? Here are some other related posts:
- MAHIRAP KAUSAP ANG MGA TAONG NEGA
- MAHIRAP KAUSAP ANG MGA BALAT-SIBUYAS
- Bakit May Mga Taong Mahirap Kausap?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.