Mahilig ka ba sa mga user-friendly na APP?
Ang mga application sa ating computer at gadget ang siyang nagpapaginhawa ng ating buhay.
Tulad ng:
Waze para malaman mo ang direksyon at iwas-traffic.
Uber naman para makakuha agad ng sasakyan na safe at walang kontrata.
I WANT TV para mapanood yung Probinsiyano habang nasa traffic.
Ang sarap nilang gamitin dahil lahat sila user-friendly, one touch yun na. Ika nga, pampagaan ng buhay.
Pero ang user-friendly ay maganda sa app pero hindi maganda sa pagkakaibigan.
May mga kakilala ba kayong…
Malambing kapag may kailangan sayo.
Kapag may kailangang pabor sayo, palagi ka niyang naaalala.
Napakabait sayo kapag may hinihingi.
Magtaka kung ang mga taong suplado at suplada, biglang bumabait sayo.
Magtaka kung dating hindi ka pinapansin at ini-isnab-isnab ka, bigla nalang wagas at pagpansin sayo, minsan “May I buy you lunch pa!”
Magtaka yung dating hindi marunong sumagot ng text bigla na lang nagtetext at nagpapadala pa ng inspirational messages.
Magtaka yung dating hirap na hirap ka makakuha ng appointment, sila naman yung atat na atat makipag meet sayo ngayon.
Ika nga ay, mag-ingat sa mga taong nanggagamit.
Mag-ingat sa mga taong user-friendly.
Marami sa paligid niyan.
Madali mo silang ma-identify kaya maging wais ka.
Huwag kang mag pagamit at mag pabiktima sa mga taong ganyan.
Alam naman natin ang kanilang intensyon.
Tumatawag lang sa iyo at lumalapit kung may kailangan.
Ano ka kasangkapan?
Matapos gamitin, itatabi na lang.
Ano ka basahan?
Matapos gamitin, tatapon na lang.
Ano ka spare tire?
Matapos gamitin, ibabalik na lang sa trunk ng sasakyan.
Kapatid, matuto ka naman tumanggi.
Huwag ka ng mag pagamit pa sa mga taong user-friendly.
You do not need to belong to their group para masabi mo na in ka.
Hindi mo kailangan ang kanilang approval para maramdaman mo na magaling ka.
Hindi mo kailangan silang pasayahin para maging masaya ka.
“Mahirap makasama ang USER-FRIENDLY
dahil FRIENDLY LANG SILA kapag may USE ka sa kanila“
-Chinkee Tan, Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY
- May kakilala ka bang user-friendly?
- How do you deal with these people?
- Do you draw your security from them or from yourself?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.