Masama ba maging trying hard?
Depende kung saan mo ilalagay ang pagiging trying hard natin.
While I was watching the latest Miss Unvierse Pageant, hindi talaga mawala yung tama sa aking ng commercial ni Miss Pia Wurtzbach.
She won the crown because she tried to compete three times.
She failed many times but she never gave up.
Some people even told her na, “Masyado kang trying hard.”
“Ok lang maging trying hard at least hindi umaayaw!”
Naalala ko tuloy yung personal kong karanasan when I was called a failure. Parang nakatatak sa noo ko yung talunan.
Imagine mo naman, I failed grade 6 four times.
Grabe, when I was failing miserably, those were my dark moments when I felt very discouraged.
Ang bigat lang ng iyong kalooban at isipan.
Feeling mo na wala kang ka kwenta-kwenta.
Especially, kung ito ay ginagatungan pa ng mga taong nega sa buhay mo.
Ika nga, may sugat na nga, binud buran pa ng asin.
Hindi mahalaga kung ilan beses ka nabigo, ang mahalaga kung ilang beses kang bumangon!
Yan ang ginawa ni Miss Pia, sumubok pa rin siya at nagwagi noong 2016.
Yan din ang ginawa ko, hindi ako umayaw, kahit apat na beses akong umulit ng grade six. Limang beses naman ako bumangon, panalo pa rin ako.
Kaya nga walang makapaniwala sa akin tuwing meron kaming high school class reunion.
Yung si Chinkee Tan na repeater, ngayong…
Nakapagsulat na ng 8 libro.
Nagsusulat din para sa 2 pahayagan.
May program sa TV5at GMA NEWS TV.
Naiimbitahan at nagsasalita sa iba’t ibang bansa at kumpanya.
Iba talaga ang nagagawa kung ang isang tao ay pursigido.
Walang nagwawagi na hindi sumusubok!
Walang nakakashoot na hindi tumitira!
Walang na accomplished ang walang ginagawa!
Kahit ano man ang pangarap mo.
Kahit ano man ang minimithi mo sa iyong buhay.
Huwag kang umayaw at matuto kang lumaban.
Huwag kang magpapatalo sa kabiguan.
Huwag kang aayaw at susuko.
“Hindi na bale maging trying hard, kaysa not trying at all!
-Chinkee Tan, Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ikaw, ilan beses ka ng nabigo?
- Umayaw ka na ba o lumalaban pa?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.