Sino ba ang gustong naghihirap ang kanilang anak?
Sinong magulang ang nangarap na ang kanilang mga anak ay isang kahig, isang tuka?
Sinong nanay at tatay ang nagplanong balang araw maghihikahos sa hirap ang kanilang anak?
Wala hindi ba? We all want the best for our children.
Gagawin natin ang lahat para mapabuti ang kalagayan ng ating mga anak at magkaroon sila maayos at magandang kinabukasan. Kaya naman talagang nagpapakapagod tayo, nagpapakakuba sa paghahanap buhay para maihanda natin ang future ng ating mga anak.
Pero hindi sapat na todo kayod sa pagtatrabaho. Hindi sapat ang mga sakripisyo natin para magkaroon sila ng masagana at maginhawang buhay in the future. Kailangan natin silang disiplinahin sa paghahawak ng pera at turuang pahalagahan ang bawat singko na dumadaan sa kanilang mga kamay.
Paano natin gagawin ito? Ito ang ilan sa mga maaaring nating gawin:
HUWAG IBIGAY ANG LAHAT NG GUSTO NILA
Huwag nating ibigay ang lahat ng maiibigan nila. Again, huwag lahat. Maaari nating ibigay ang ibang gusto nila pero hindi lahat. Kailangan nilang matutunan ang konsepto ng pagtitiyaga. Kung meron silang gusto, kailangan nila itong paghirapan at pag-trabahuhan. Kailangan nilang maintindihan na hindi lahat ng gusto nila ay masusunod.
IPAUNAWA NA MAY TIMING ANG LAHAT NG BAGAY
Turuan natin silang maghintay. May mga taong hindi marunong maghintay kaya kapag mayroong pera, bili agad, magsisisi nalang sila na meron pa palang mas magandang deal kung nakapaghintay lang sana sila.
BIGYAN NG PAGKAKATAONG HUMAWAK NG PERA
Bigyan sila ng allowance. Kung sakaling umpisa palang ng linggo ubos na ito, huwag silang bigyan ulit. Ito ay para matutunan nilang mag-budget at mag-plano. Kapag bigay lang tayo ng bigay ng pera may tendency na mag-waldas lang sila ng mag-waldas dahil alam naman nila na may mahihingan sila at may magbibigay.
TURUAN SILANG MAG-IPON
Habang bata sila turuan na natin silang mag-impok. Ang mag-ipon ay magandang habit na madadala nila hanggang sa kanilang paglaki. Mainam na sa murang edad palang nila maintindihan na nila ang kasabihang ‘kapag may isinuksok, may madudukot’.
Kapag ginawa natin ang mga bagay na ito, hindi lang basta yayaman ang mga anak natin, magiging mabuting mga tao rin sila.
Train up a child in the way he should go; even when he is old he will not depart from it. Proverbs 22:6
“Ang bata ay parang mga basang semento, kung ano ang hinulma mo,
mahihirapan ka nang baguhin.”
-Chinkee Tan, Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY
- Kamusta na ang mga anak mo?
- Natuturuan mo na ba sila sa mga ‘money matters’?
- May pagpapahalaga ba sila sa pera?
If you want to know more on how to raise moneywise kids, please read my latest book https://bit.ly/2kDsCyO
Are you having a hard time saving money? Do you want to know the best ways to save money and how to save money fast? Are you willing to take money saving challenges so that you can manage your finances?
Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here,
https://chinkshop.com/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.