Kayod dito, kayod doon.
Puyat dito, puyat doon.
Raket dito, raket doon.
Sila yung mga taong walang humpay sa pag-ta-tra-trabaho at bathroom break lang ang pahinga.
Sila yung mga taong walang panahon tumambay o makipag-tsimisan.
Bawat oras, bawat minuto, bawat segundo, mahalaga.
Wala silang iniisip kundi abutin ang mga goals at pangarap nila.
If I just described your current lifestyle. Congratulations!
Ang ibig sabihin niyan, ay malapit ka nang magtagumpay at guminhawa.
“Pero Chinkee, panay hirap wala pa akong nararamdaman ng ginhawa!”
Kasi bago dumating ang ginhawa, dadaan ka muna sa karayom ng HARD WORK!
“Chinkee, pwede ba yung madaling trabaho at mataas sweldo?”
Hmmm, una walang trabahong madali.
Pangalawa, bago lumaki ang kita, mag-uumpisa ka muna sa maliit.
Kaya nga may kasabihan na “No pain, no gain!”
We need to pay our dues now, then ginhawa later.
Rather than ginhawa now but suffer later.
Kapatid…
Okay lang na mapagod ka now!
Okay lang na mahirapan ka now!
Okay lang na magtiis at matiyaga ka now!
Kung ito ang ginagawa mo ngayon, hindi ako magtataka na darating ang araw na…
Bigtime ka na!
Payaman ka nang payaman!
Wala ka nang utang at mabibili mo ang lahat ng cash!
May sarili ka ng bahay at lupa!
May magara ka ng sasakyan!
Marami na ng negosyo na talaga namang boom na boom!
Marami na na rin naipundar at mga investments!
Marami ka na rin mga foundation at natutulungan!
Sarap ng ganitong feeling di ba?
Pero bago natin makamit ito, dadaan muna tayo sa proseso ng HARD WORK!
“Tatamad-tamad now, pulubi later
Hard work now, mayaman later”
-Chinkee Tan, Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Kapatid, handa ka na sa hard work?
- Handa ka na ba mag sakripisyo now, ginhawa later?
- Handa ka na bang maging big time at yumaman?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.