The countdown begins, mga kapatid!
BER months na, meaning, Christmas season na din!
Anong gimik mo para mag-ka extra funds?
“Grabe ang aga mo naman magpa-alala Chinkee!”
Naku, walang maaga sa mga gustong kumita ng pera.
Sa totoo lang NOW IS THE BEST TIME to plan para pagtapak ng BER months go go go na sa implementation ng sideline at raket na gusto natin.
Ang saya lang isipin na bago matapos ang taong 2017 magkakaroon tayo ng additional funds na pwedeng itabi paikutin o ipang-bayad sa natitira nating utang.
Anu-ano nga ba mga wais tips and easy ideas?
MAKE IT or BAKE IT
(Photo from this Link)
Sa dami ng recipes available online meron at meron tayong makikita na pwede mong gawin after work.
May leche flan, yema cupcakes at cake.
You can never go wrong with food dahil bukod sa consumable yan patok lagi yan sa mga Pinoy!
PERSONALIZE
(Photo from this Link)
Magaling ka ba mag-drawing, mag-calligraphy, o magkutingting, or mag come up with artworks from scratch ?
Ito na ang pagkakataon mo para i-monetize ang skill na yan.
Personalized products will get the attention of many dahil kakaiba at hindi usually nakikita sa malls.
Kung ikaw din ang makakatanggap ng regalong alam mong ginawa talaga para sa’yo hindi ba’t masarap ang feeling?
BUY AND SELL
(Photo from this Link)
Kahit sa halagang P1,000 lang you can scout out items na pwedeng ibenta sa ating mga ka-trabaho, classmates o kamag-anak.
Nandyan ang clothes, toys, mugs, cellphone case. The options are limitless!
Pero kapatid, huwag basta basta bibili dahil lang sa mura at maganda. Check the quality para hindi tayo mapahiya. Tingnan din kung ito ba ay papatok sa target market natin.
Baka makatulong if you ask around and do a bit of research.
“The Opportunity to earn is LIMITLESS. Maximize it!”
-Chinkee Tan, Wealth Coach Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Gusto mo ba magka extra cash?
- Anong raket ang gusto mong pasuking ngayong BER months?
- Anong strengths mo na pwede pagkakitaan?
===========================================================================
WHAT’S NEW ON YOUTUBE:
SINGLE or MULTIPLE BUSINESSES?
Perfect sa mga magtatayo ng business and even network marketers! Click here now: http://bit.ly/2vn8EfJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.