Nakaramdam ka na ba ng matinding galit sa isang tao na gusto mo ng gantihan?
Sa sakit na dinanas mo sa kanya gusto mo siyang saktan?
Dehado ang feeling at nakakagigil ang nangyari.
Yung minsan, trip mo ng subukan to:
“Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay….na nasa garapon!”
Hay kapatid ang sakit man sa bangs pero sa totoo lang walang maidudulot na maganda ang paghihiganti.
USELESS LANG
(Photo from this Link)
Road rage ba?
Busina ng busina sa sumingit sa’tin.
Well? May napala ba tayo?
Nauna ba tayo?
Nung nagparinig tayo sa FB post natin, hindi man natin pinangalanan kahit kilala naman ng mga kaibigan natin kung sino ito…
Na-solve ba ang problema?
I’m really just trying to make a point here.
Nobody wins in revenge.
Yung tingin nating ikasisira nila ay maaaring balewala lang pala para sa kanila.
Sayang ang energy, diba? Again, USELESS.
EMOTIONALLY DRAINING
(Photo from this Link)
Habang sila ay naka-move on na heto tayo at mainit ang ulo at nakakaramdam ng galit at inis mula umaga hanggang gabi.
Kinuwento na sa mga kaopisina pagdating sa trabaho
Kwento ulit sa mga magulang pag-uwi.
Sino ngayon ang na-perwisyo?
Sino ngayon ang di makatulog?
Sino ngayon ang walang peace of mind?
Hindi ba tayo?
LEAVE IT IN GOD’S HANDS
(Photo from this Link)
Alam na ng Panginoon how to deal with people who did us wrong.
Siya na bahala sa kanila.
Pray for forgiveness para mas lumuwag ang ating kalooban.
This will also allow us to focus on things that are more important.
“Mas matamis pa sa paghihiganti ang HINDI mo pagpatol.”
-Chinkee Tan, Wealth Coach Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Sino ang mga nanakit sa iyo na gusto mo gantihan?
- Okay lang ba na magpatawad ka na lang?
========================================================================
WHAT’S NEW ON YOUTUBE:
“How to Handle ENVY in Business”
Hindi natin ito maiiwasan pero may magagawa tayo, click here now: http://bit.ly/2xAFmvs
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.