Kapag tinatanong tayo ng:
“Ano ang gusto mong mangyari sa buhay mo?”
Kadalasang sagot:
“Yumaman at makawala sa utang.”
“Umunlad ang pamumuhay.”
“Magkaroon ng magandang trabaho o business.”
Masarap sabihin.
Madaling sagutin.
Pero kung gusto natin maging mas makabuluhan at klaro ang direksyon na tatahakin, ito dapat ang tinatanong natin sa ating sarili:
“ANO ANG HANDA KONG I-SAKRIPISYO?”
(Photo from this Link)
Oo, alam natin ang gusto natin pero dapat willing din tayong pagdaanan yung proseso bago makamit ang goal natin.
- Kung gusto maging successful ang business dapat willing tayo pagdaanan ang failures at mag take ng risk.
- Kung gusto umunlad, dapat open tayo na matuto, mahirapan, at magsimula sa baba.
- Kung gusto makaipon, dapat maluwag sa loob na mag-sakripisyo, mag-budget, at magpigil sa pag-gastos.
Walang nakakarating sa pinaroroonan ng hindi buma-biyahe. Kaya sakay muna and enjoy the ride.
“ANONG KLASENG PAIN ANG KAYA KONG PAGDAANAN?”
(Photo from this Link)
“Ako ayoko masyado mahirapan.”
“Sana hindi ko na pagdaanan yun, ‘di ko na kaya.”
Hindi natin pwede piliin ang gusto lang natin maranasan. Pero para sa isang taong seryoso sa pangarap, magaan man o mabigat, balewala ito.
Lahat kakayanin, walang aatrasan.
No pain, no gain, ika nga.
“GAANO AKO KATAGAL WILLING MAGHINTAY?”
(Photo from this Link)
Kung thigh part nga ng manok nahihintay natin, success pa kaya natin?
What I’m saying is, kapag ginusto natin ang isang bagay, dapat tanggap din natin na hindi ito basta basta nakukuha.
It takes a lot of time, effort, and patience.
Kung lahat ng bagay ay mamadaliin, hindi tayo matututo.
“Success is not defined by the end result BUT the kind of pain that we went through.”
-Chinkee Tan, Wealth Coach Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anong goals mo sa buhay?
- What are you willing to go through?
- What kind of pain are you willing to endure?
- How long are you willing to wait?
=====================================================================
WHAT’S NEW ON YOUTUBE:
“Have you Ever Felt Unloved?”
Look around you, nandiyan lang yung mga taong nagmamahal sayo.
Watch the video now: http://bit.ly/2wBqoI
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.