I would like to take this opportunity to congratulate our Gilas Pilipinas team sa kanilang pagka-panalo sa Southeast Asian Games sa Malaysia noong August 26, 2017.
(Photo from this Link)
Mahilig din ako sa basketball.. yun nga lang walang hilig ang basketaball sa akin. Hahaha!
But really nakakabilib at nakaka-proud na merong mga taong ginagawa ang lahat para patuloy na itaas ang bandila ng Pilipinas. This may be just a sport for some pero madami tayong pwedeng matutunan mula dito.
Gaya nalang ng..
WALANG KAPALIT ANG HARD WORK
(Photo from this Link)
Ang tagumpay ay pinaghihirapan.
- Kung gusto nating ng mataas na grades i-sacrifice muna ang screen time at pag-gamit ng gadgets habang nag-aaral.
- Kung promotion sa trabaho ang hanap dapat ang target, more productivity, less chika at work.
- Kung gusto nating makapag-ipon dapat willing mag-adjust sa expenses para makapag-tabi ng paunti-unti.
There are no shortcuts.
Hirap muna para ginhawa later.
BELIEVE IN YOURSELF
(Photo from this Link)
Ang Gilas Pilipinas at iba pang mga manlalaro malakas ang kumpiyansa sa sarili.
Naniniwala silang kaya nilang manalo kaya naman pursigido silang gawin ang lahat para makamit ang gintong medalya.
Bago pa kasi may maniwala sa atin dapat tayo mismo ang naniniwala sa sarili nating kakayahan.
This ‘BELIEF’ will empower us and make us achieve anything.
And above all…
LEARN TO NEVER GIVE UP
(Photo from this Link)
Ang manlalaro ba na nadapa hindi na pumasok uli sa court?
Hindi ba’t mas lalo silang nanginginig bumalik at maglaro?
Sana ganon din sa atin.
So what kung bumagsak sa exam?
Sumubok ulit!
Hindi pa tapos ang mga bayarin?
Hanap pa ng pagkakakitaan para ma-settle na ito.
Wala pang benta?
Wag tumigil mag-isip ng new strategies!
Imbis na sumuko, gawin lang ang nararapat.
Malay natin, baka naman ito na ang pinaka- inaasam nating tagumpay.
“Matutong magtiwala sa sariling kakayahan at siguradong ang problema ay malalampasan.”
-Chinkee Tan, Wealth Coach
THINK. REFLECT. APPLY.
- What lessons have you picked up from our very own Gilas Pilipinas?
- How can you apply these values in real life?
==========================================================================
WHAT’S NEW ON YOUTUBE:
“God is Teaching Us to be Patient”
Magtiyaga at maghintay lang, darating ang iyong tamang oras. Watch now: http://bit.ly/2wJc15n
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.