May na pautang ka ba recently at hindi mo alam kung paano sila sisingilin?
Gipit ka na pero atrasado ka na kapag kaharap mo na siya?
“Next time na nga lang.”
“Paano ko ba sasabihin sa kanya?”
“Hmm, wag na nga lang baka magalit.”
Ikaw na nga ang nag pautang, ikaw pa ang nahihiya.
Bakit ba kasi mahirap maningil?
HIYA
“P1,000 lang sisingilin ko pa ba? Kahiya naman.”
“Sus, kikitain ko din naman yun.”
Alam niyo ba na sa bawat tanggi natin sa pagkakataong pwede tayo makasingil, iyan din ang bilang ng beses na nalulugi tayo sa perang pinaghirapan natin.
Kung ito parati ang paiiralin, nababalewala at nawawalan ng saysay ang pangarap na makaipon, makapagtabi, at magpalago.
Check mo nga ang label mo, ito ay tunay na hiya o may hint of pride?
NAAAWA
Sa ganitong scenario, ang naninigil ay tinatawag na bida-kontrabida.
Bida ka kasi busilak ang puso mo sa pagpapahiram PERO kontrabida ka na kapag maniningil ka na.
Kaya para hindi maging ‘kontrabida’ ang dating, we condition ourselves na:
- Baka kaya hindi pa nakakabayad dahil gipit pa siya
- Baka may emergency
- Baka nawalan ng trabaho o kabuhayan
Hanggang sa manaig ang awa at hindi na natin ituloy ang paninigil.
TAKOT
Dahil baka masira ang relasyon, matapon ang pinagsamahan, o di kaya’y mawalan ng kaibigan.
Kaya imbis na mauwi sa hindi pagkakaunawaan o pagtatalo, pinapasa Diyos na lang.
Ultimately, kung bakit nga ba tayo nag pautang ay nais natin tumulong.
Paalala lang po, sa nais natin tumulong sa kapwa, huwag naman natin ipahamak ang ating sarili.
“Napakadali magpautang pero napakahirap maningil!”
-Chinkee Tan, Motuvational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Alin sa mga ito ang dahilan kaya hindi ka makasingil?
- Okay lang ba sayo ang hindi na makasingil?
- Kung hindi, anong strategy mo?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.