Nakatikim ka na ba ng sweet and sour pork?
Masarap siya lalo kapag nag-aagaw ang tamis at asim sa ating panlasa.
How about bittersweet?
Kung hindi pa, panoorin mo na lang yung commercial ng isang fastfood chain, you will understand what I mean.
Iba’t iba ang mga reaksyon ng mga tao napanood yung commercial ng isang fastfood chain na #vow.
May mga napaluha…
nabigla…
napikon…
at sinumpa na hindi na kakainulit sa fastfood chain na yun.
Para sa mga hindi maka- move on..
Yung mga luha na tumulo sa kanyang mga mata ay bitter sweet.
BITTER
Dahil sila ang nagkatuluyan.
Nakakalungkot dahil nakikita niya na dapat maging sila.
Pero ang good news is…
HINDI SIYA NAGING BITTER at nagtanim ng sama ng loob.
Kung may sama siya ng loob, I am sure hindi siya mag papakita sa kasal ng kanyang #bes.
SWEET
Masaya siya para sa kanyang minamahal.
Di ba yan ang tunay na pagmamahal, “Walang hinihintay na kapalit.”
Her happiness, becomes his happiness.
Her joy, becomes his joy.
Her desire, becomes his desire.
Ngayong Valentine week, marahil kabilang ka din sa #teamsawi. The issue is kung hindi ka nasawi, ang issue is kung ano ang ginawa mo matapos kang masawi.
“Mas madaling MAGPAPAYAT kaysa mag MOVE ON”
-Chinkee Tan, Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Kamusta ka na friend, how are you dealing with the situation?
- Naka move on ka na ba? O galit ka pa? O depressed ka ba?
- Ano sa palagay ang dapat mong gawin para maka move on ka na?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.