MASAYA ang balita mo, NEGA ang sagot.
“Ngayon lang yan, wag ka umasa.”
EXCITED kang mag-kwento tungkol sa achievement mo, NEGA ang reaction.
“Nagawa ko na din yan dati eh!”
NAG-TATATALON ka sa bagong blessing na dumating, deadma lang sila.
“Yan LANG ba pinagmamalaki mo?”
Paano naman tayo gaganahan mag-kwento kung sa bawat reaksyon at sagot ng kinakausap natin ay punong-puno ng negativity hindi ba?
Tuloy sila pa mismo ang nagiging dahilan kung bakit tayo napapanghihinaan ng loob at nawawalan ng gana na ituloy yung mga pangarap natin to aim for more.
Para kasing ga-patak lang yung positibong dumadaloy sa kanilang dugo.
Bakit nga ba sila ganyan?
One of the major reasons why some people are like that is because of …
BITTERNESS
Nahihirapan sila mag move on!
Meron akong nabasang quote nun, ang sabi: “Akala ko nutrisyon lang ang madudulot ng ampalaya, bitterness din pala.”
Exactly the attitude of negative people—bitter sila.
Kasi maaring ang:
- Inaasam- asam nila ay nakamtan mo na
- Hindi nila matanggap ang mga pangyayari
- Pangarap nila, sayo nangyari
- Matagal nilang pinakahihintay, ikaw ang nauna makakuha
Even if it’s not your fault, yung frustration nila, sayo nila binubunton para magkaroon sila ng masisisi, kung bakit hindi pa nila narating ang narating mo.
Sa totoo lang, people who are bitter are hurting inside.
Nasaktan din sila, that’s why yung alam lang nila ay manakit din ng kapwa. If not, ito ay ang kanilang defense mechanism para hindi masabi na weak sila.
Ang tanong, gusto mo ba rin maging NEGA!?
I don’t think so.
Kaya nga, instead na mainis tayo, we should try our best to show compassion that they are really hurting people. We must show love instead of hate. Offer them consideration instead of judging them. Forgive them if not we will end up exactly like them.
“Huwag mong payagan na mahawaan ka ng mga taong negatibo! Always Chink Positive!”
-Chinkee Tan, Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Sino ang kilala mong ganito?
- Ano kaya ang dahilan?
- Gagayahin mo ba ang ganito o pipiliing maging #ChinkPositive
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.