Ayokong magbilang when it comes to not-so-good personal experiences but nagkaroon ng pangyayari na may nanghiram sa amin ng pera dahil kapos daw sila. Tapos nung ni-remind na namin siya, hindi pa daw kakayanin magbayad dahil wala pa raw pondo.
Okay na sana. Yun nga lang nag-post sa Facebook. Nakita na lang namin na nakabili sya ng mamahaling kape at naka-hashtag pa siyang #beatthesummerheat.
Nung nakita ko ito, kumulo ang pakiramdam ko na parang mainit na kape. Ang sabi ko sa sarili ko, “Ang labo naman. Bakit sinasabing hirap sa buhay at walang pambayad ng utang pero may pambili ng mahal na kape?”
Ano kaya ang problema?
I think the problem with some people is not so much about their capacity to pay but their are not willingness to settle their financial obligation.
Wala namang pipigil sa iyong mag-enjoy sa pagbili ng mamahaling kape, basta nakakabayad ka rin sa mga pinagkakautangan.
May nakapagsabi sa akin dati na wala akong karapatan na manood ng sine, magbakasyon, bumili ng bagong gamit, kung hindi ako nakakabayad ng aking pag kaka-utang.
Hindi natin alam na baka ang mga pinagkakautangan natin ni hindi makabili ng mamahaling kape dahil nagtitipid sila at pilit pinagkakasya ang kanilang budget. Kakayanin ba ng ating konsensya na, nagpapakasarap tayo habang ang mga pinagkakautangan natin ay nagdurusa?
Mukhang hindi ito tama!? Hindi ba?
“FIRST THINGS FIRST: Sikapin nating mag bayad muna ng mga utang bago tayo bumili at
mag pakasarap sa ating buhay.”
-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY
- May utang ka rin ba?
- May effort ka bang makabayad ng utang?
- Sinisikap mo ba makabawi kahit paunti-unti?
Are you having a hard time saving money? Do you want to know the best ways to save money and how to save money fast? Are you willing to take money saving challenges so that you can manage your finances?
Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here,
https://chinkshop.com/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.