Ito ang motto ng mga magkasintahang mapupusok
pero wala namang ipon.
Nagsasama ng hindi handa.
Kaya ‘pag nagutom at nagipit,
“Bahala na” ang peg.
Ang tanong nga ‘di ba:
“Anong ipapakain mo sa pamilya mo?”
Puwede ba nating isagot na:
Pagmamahal?
Agahan, love?
Tanghalian, pag-aalaga?
Hapunan, respeto?
Emotionally, yes nakabubusog ito.
Pero reality speaking, hindi ito okay.
Masarap isipin na we chose to stick together
kahit pa walang-wala.
Pero sa dalawang taong nagsasama,
hindi lang pagmamahal kundi ipon din
ang kailangan para kumportable ang buhay.
Kapag may nakatabi,
hindi na kailangang mangutang,
manghingi, o mahirapan pa.
Here’s what we need to remember:
PREPARE! PREPARE!
(Photo from this Link)
“Eh mag bf-gf pa lang naman kami eh.”
“Paano kung hindi siya ang makatuluyan ko?”
The more that you should start habang
hindi pa kinakasal o
habang magkasintahan pa lang.
Preparing doesn’t necessarily mean na
JOINT account kaagad.
Yung iba kasi ito ang kinakatakutang step
since wala pa namang kasiguraduhan.
You may start saving individually
at sabayan ng dasal na sana SIYA NA NGA.
So by the time na you want to take it to the next level,
ready na kayo at hindi na i-delay-delay pa.
MAG-USAP KAYO
(Photo from this Link)
Usap kayo kung paano n’yo
mapaghahandaan ang future n’yo.
“Love, ipon tayo ah?”
“Anong tingin mong magandang strategy?”
“Oh tara oh, every sahod, game?”
Once you’ve both agreed with the idea
come up with ways to make this happen.
Lessen ang kain sa labas?
P1,000 every payday?
Budgeted meal pag mag de-date?
It’s up to you.
There are a lot of ways.
BE RESPONSIBLE
(Photo from this Link)
Ang pagre-relasyon, hindi yan laro-laro lang.
It requires two matured people to handle this.
Na kung hindi pa ready,
kung wala kayong goal na guminhawa
ang buhay ng isa’t isa
at ang plano lang ay magsama kahit nganga,
mahirap po ito.
Once you enter a relationship
lagi nating iisipin na dapat tulungan
para mapagaan ang buhay someday.
Para hindi na iisipin kung
- Saan kukuha ng kakainin
- Paano babayaran ang kuryente at tubig
- Saan manggagaling ang panggastos sa araw araw
“When we’re hungry, love will keep us alive.”
Ito ang motto ng mga magkasintahang mapupusok pero walang ipon.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ikaw ba ay nasa relasyon ngayon?
- Financially ready na ba kayo?
- Anong pwede mong gawin para hindi gutom ang abutin?
Are you having a hard time saving money? Do you want to know the best ways to save money and how to save money fast? Are you willing to take money saving challenges so that you can manage your finances?
Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here,
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“A GREAT FORMULA TO A SUCCESSFUL LAUNDRY BUSINESS ”
Click here to watch➡➡➡http://bit.ly/2AGiLAw
=====================================================
DIARY OF A PULUBI
Season 1 Episode 3: ” Travel Now, Pulubi Later”
PER PIECE:
P150+100 shipping and handling fee
BULK ORDER PROMO
50% OFF; FREE SHIPPING
=====================================================
MONEYKIT BUY ONE TAKE ONE IS BACK!
2 Moneykits + 16 Books
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2yPyf6Z
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.