Naranasan mo na ba ang pakiramdam na parang
nag-ha-hi sa’yo ang food?
Gaya ng topic last time sa
#FOODISLIFE , food is indeed irresistible.
Lalo pa kung favorite natin at nasa murang halaga.
We really can’t say NO.
Pero ika nga, ang lahat ng sobra ay masama.
“Chinkee, pagkain naman ‘yan.
What’s wrong with overspending on food?”
Walang masama kung pagkain ‘yan,
ang masama ay ang salitang ‘overspending’.
Kaya marami rin ang nagiging obese
ay dahil sa hindi makontrol na food intake dahil
may kakayahang gumastos ng sobra-sobra.
Uulitin ko, ang sobra ay nakakasama.
Nakakasama to the point na pati
ang budgeted na sweldo ay nadadamay.
Ever asking yourself bakit nagkulang ang budget
mo sa ganito, sa ganyan, at the end of the day?
MISMANAGED.
(Photo from this Link)
Hindi naman ibig sabihin na kung food ay exempted na.
May cases na alam nating busog naman na at
no space for food na ang tyan ay sige lang ng sige.
May tendencies na nagiging ‘takaw-mata’ tayo dahil
masasarap ang mga ito, pero hindi naman nauubos.
Sayang ang pinanggastos,
Sayang ang pagkain.
Kaya ano ang dapat gawin?
BUMILI AT KUMAIN NANG SAKTO LANG.
(Photo from this Link)
Natatandaan mo ba ang kasabihang
“Do not worry about tomorrow,
for tomorrow will worry about itself?”
Sa mga pagkakataong ganito,
mas pagtuunan ang ngayon.
Ang pagkain ay perishable.
Kung hahayaan lang itong
mapanis, masayang o maitapon,
para na ring itinapon ang perang pinanggastos dito.
GUMASTOS NG TAMA LANG.
(Photo from this Link)
Define ‘tama lang’?
Ito ‘yung order na complete package.
Halimbawa:
Tapsilog – P50.00
Polvoron – P10.00
Softdrinks – P12.00
TOTAL of P72.00
…out of P100.00 lunch budget in a day.
Busog na, may panghimagas pa
at may sukli pa para sa pamasahe pauwi.
“Pagkain… nandyan ka na naman, tinutukso-tukso ang aking sweldo.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Madalas ka bang mag-overspend sa mga pagkain?
- Ano ang dapat mong baguhin sa paraan nang pagbili mo para maiwasan ito?
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“HOW TO PREPARE FOR TUITION FEE EXPENSES ”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2z1FJ2x
=====================================================
DIARY OF A PULUBI
Season 1 Episode 3: ” Travel Now, Pulubi Later”
PER PIECE:
P150+100 shipping and handling fee
BULK ORDER PROMO
50% OFF; FREE SHIPPING
=====================================================
MONEYKIT + 8 BOOKS FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡http://bit.ly/2BIdJUJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.