Maaring narinig n’yo na yung
tanong na: “How to be you po?”
Halimbawa:
- Na-promote..
- Nakabili ng cellphone..
- May bagong bahay..
- O ‘di kaya ay may accomplishments..
Ito lagi ang tinatanong natin sa kanila.
Asking this question also means
Paano ba maging sila?
Nakalulungkot lang isipin na
ginugusto nating maging ibang tao.
Ginugusto in the sense na halos
kamuhian na natin ang ating mga sarili
at wishing na sana hindi ito
ang buhay natin ngayon.
Bakit nga ba natin hinahangad
na maging katulad ng iba?
INGGIT
(Photo from this Link)
May utang tayo, sila wala.
Nakabili siya ng bagong bahay, tayo hindi.
Na-promote agad in 6 months, tayo 3 years ng stagnant.
Kapag nanaig ang inggit,
parati nating hahanapin sa iba
ang wala sa atin at yung mga
hindi pa natin nakakamit.
Para bang self pity kasi
gusto nating mangyari sa atin
ang swerteng dumating sa kanila.
NABUBULAGAN
(Photo from this Link)
Nabubulagan tayo sa kung
ano lang ang gusto nating makita at madinig.
kaya yung sarili nating strengths at blessings
blurred na at wala nang dating sa atin.
Kadalasan pa, hindi na natin pinapansin.
Busy kasi tayo masyado tumingin sa iba.
Para itong maliit na dumi sa dingding.
Ang nakikita natin ay yung dumi at
hindi yung parte na malinis.
Para din itong baso na kalahati lang ang laman.
Do you see it as half empty or half full?
AYAW TANGGAPIN ANG KAPALARAN
(Photo from this Link)
Sila yun, ito tayo.
Kailangan nating tanggapin nang maluwag ito.
Maaring kaya hindi pa natin nakukuha
ang mga bagay na gusto natin
ay dahil may ibang planong nakalaan sa atin.
Malay mo bukas, mangyari na din ito sa iyo
or kung hindi man, BETTER plans for you pala.
Matuto tayong maghintay at magtiis.
May tamang oras para sa lahat.
“Matutong tanggapin kung anong meron tayo.
Huwag hanapin sa iba dahil magkakaiba ang kapalaran ng tao.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Kanino ka napapasabi ng “How to be You po?”
- Ito ba ay paghanga lang o dahilan kaya naisasantabi na ang sarili?
- Paano mo mabibigyang halaga ang sariling blessings?
Are you having a hard time making saving money a habit? Do you want to know the best ways to save money? Are you up to having a money saving challenge so that you can manage your finances?
Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here,
https://chinkshop.com/
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“POINTERS FOR BUSINESS IN A VILLAGE OR SUBDIVISION ”
Click here to watch➡➡➡http://bit.ly/2BmhY7l
=====================================================
DIARY OF A PULUBI
Season 1 Episode 3: ” Travel Now, Pulubi Later”
PER PIECE:
P150+100 shipping and handling fee
BULK ORDER PROMO
50% OFF; FREE SHIPPING
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2yPyf6Z
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.