Minsan ka na bang nasabihan ng:
“Kuripot mo naman!”
“Ano ba yan, gumasta ka nga!”
“Aanhin mo yang pera mo??”
Pero, bilang IPOnaryo,
hindi tayo affected
dahil kahit ano pa ang sabihin nila
deep inside, alam natin ang dahilan.
Para kasi sa atin
wala naman tayo mapapala sa
panay palabas ng pera ng
wala namang objective.
Second IPONaryo tip:
“KURIPOT, HINDI MADAMOT”
Dahil…
MAHAHALAGANG BAGAY LANG ANG PINAGLALAANAN
(Photo from this Link)
Alam nila kung saan ang tamang
lugar na paglalagyan ng pera.
At unang requirement: DAPAT IMPORTANTE
Kuripot sila pero hindi madamot pagdating sa:
- Emergency fund
- Retirement fund
- Educational fund
- Investment fund
Di bale ng magtipid sa iba
basta galante para sa mga bagay
na alam nilang may mapapala sila.
SILA AY MAY GOAL
(Photo from this Link)
Oo, kuripot na sa kuripot
pero dahil may goal kasi sila.
“In 5 years dapat makabili na kami ng bahay”
“Next year dapat bayad na lahat ng utang ko”
“Pag-i-ipunan ko talaga yung business na gusto ko”
Malinaw sa kanila ang kanilang gusto
kaya naman lahat ng pagtitipid gagawin nila.
Halimbawa:
Budgeted ang gagastusin in a day.
Iiwasan na ang pagkain kain sa labas.
Wala ng shopping, diretso sa alkansya ang matitipid.
Lahat gagawin para sa kanilang goal.
SARILING KAPAKANAN ANG INIISIP
(Photo from this Link)
Ano ba ang gusto nila mangyari?
Bakit sila kuripot?
Para, maging kumportable ang buhay.
When you save money, you live better.
Yun naman ang gusto nating lahat hindi ba?
Gusto nating maging certified na IPONaryo
Para umasenso.
- Debt free
- Stress-free
- Maaaring sapat lang pero walang problema.
To know more about how to be an IPONaryo,
Join me on my next seminar:
#IponPaMore: Hit Your Financial Goal This 2018!
January 20, 2018
Victory Greenhills Center
P500
There’s no secret to it. Saving is the way to go. And I want to teach you a roadmap to building your personal savings. This is your journey to experiencing financial freedom and becoming wealthy and debt free.
Are you interested?
Click here to register: https://chinkshop.com/
“Ang tunay na IPONaryo ay kuripot pero hindi madamot”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ikaw ba ay kuripot pero hindi madamot?
- Ano lang ang mga pinagkakagastusan mo?
- Saan ka hindi madamot?
- 1st IPONaryo tip: Ang tunay na IPONaryo ay matipid at hindi maluho (http://bit.ly/2BJH4kZ)
=====================================================
HALF YOURSELF A MERRY LITTLE CHRISTMAS
All books and Moneykit at 50% off til January 2 (12mn)
To avail this promo go to: http://bit.ly/2Cg7eeE
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“ PAYING DEBT THROUGH BUSINESS OR INVESTMENT”
Click here to watch➡➡➡http://bit.ly/2CaKtsv
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.