Meron ka bang pangarap pero
Nauuna ang pasarap?
- Book dito, book doon.
- Kain kain sa mamahaling restaurant.
- Lahat ng shops papasukan, walang palalagpasin.
- Bakasyon enggrande.
Bakit?
Dahil ba sa mga ganitong dahilan?
“I deserve this!”
“YOLO! You only live once”
“Minsan lang naman to!”
Kapag nasobrahan at
hindi nakontrol, lahat ng kita natin
mapupunta lang sa wala..
Nasulit nga at nakapagsaya ng bongga
Nga nga naman kinabukasan!
Ay sus, yun ang mahirap.
Kayod kalabaw na, wala ng pahinga,
Parang tarsier na sa puyat,
lahat ng OT papatulan para lang
mabawi ang mga nagasta at
may maibayad lang sa mga naniningil.
Hindi po ganito mga kapatid.
- 1st IPONaryo tip: Matipid at hindi maluho: (http://bit.ly/2BJH4kZ)
- 2nd IPONaryo tip: Kuripot pero hindi madamot (http://bit.ly/2E0BV5j)
- 3rd IPONaryo tip: Iniisip ang future (http://bit.ly/2zZ8WMh)
- 4th IPONaryo tip: Maunlad dahil maabilidad (http://bit.ly/2qigt96)
Tip #5: Ang tunay na IPONaryo ay…
“May pangarap at hindi puro pasarap”
Para kasi sa kanila…
HINDI PINUPULOT ANG PERA
(Photo from this Link)
Napaka hirap kumita ng pera ah.
Kung para sa iba ang dali lustayin,
ang mga IPONaryo, sarado ang palad
para sa mga bagay na hindi naman importante.
Naiisip nila na sila ay nagtatrabaho at
nagpapakapagod para may mapala in the future.
Mapala in the sense na long term ang effect.
Kumportable ang buhay.
Walang utang.
Nasasagot ang pangangailangan ng pamilya.
MAY TAMANG ORAS PARA DIYAN
(Photo from this Link)
Ang trabaho natin, walang kasiguraduhan yan.
Yung mga emergency, hindi natin maiiwasan yan.
Ang retirement, hindi natin mapipigilan yan.
Habang kaya pa magtrabaho at
may opportunity pa, sige lang ng sige.
Para handa sa kung anong pagsubok ang dumating.
If everything is settled,
That’s the time na magpasarap.
Mas magandang mag chill at magrelax ng
wala ng iniintindi.
SILA AY MAY PANGARAP
(Photo from this Link)
“Magiging IPONaryo ako kasi…”
- Gusto ko magretire ng maaga para magka oras sa pamilya
- Wala na akong utang by this year
- Kahit may emergency, handa ako
Higpit sinturon now para ginhawa later.
Yan ang mantra ng mga IPONaryo.
Ang pangarap nila ang nagpupush sa kanila
para pagigihan ang pagiipon at
pagba-budget ng salapi.
Di bale ng mahirapan at magtumbling-tumbling
Di bale ng hindi muna matikman ang pagpapasarap
Importante, ma-secure muna ang buhay.
To know more about how to be an IPONaryo,
Join me on my next seminar:
#IponPaMore: Hit Your Financial Goal This 2018!
January 20, 2018
Victory Greenhills Center
P500
There’s no secret to it. Saving is the way to go. And I want to teach you a roadmap to building your personal savings. This is your journey to experiencing financial freedom and becoming wealthy and debt free.
Are you interested?
Click here to register: https://chinkshop.com/
“Ang tunay na IPONaryo ay taong may pangarap at hindi puro pasarap”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anong mas matimbang sayo, pangarap o pasarap?
- Bakit pangarap? Bakit pasarap?
- Paano mo ito babalansehin?
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“SMART BUDGETING ”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2CwjlFn
=====================================================
DIARY OF A PULUBI
PER PIECE:
P150+100 shipping and handling fee
BULK ORDER PROMO
50% OFF; FREE SHIPPING
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2yPyf6Z
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.