Para sa mga BILBIL ang naipon at
gusto naman sanang BIL-BILLS ang makita, this one’s for you…
Today’s letter: DEAR BILBIL
Dear BILBIL,
Hindi ko makakalimutan ang
journey natin together.
Ang dami nating pinagdaanan noh?
From fast food, fine dining, food parks,
newest bar and resto in town,
lahat iyon nasubukan natin.
hanggang sa nag grow tayo together.
Literally.
Kaso this past few months
nadedepress na ako eh.
Hindi na magkasya ang mga damit ko.
Kailangan ko pang mag stomach-in
para lang maipasok ko ang sarili ko
sa pantalon ko.
Ito din ang technique ko para
pag nagpicture-picture, hindi halata.
Hirap magpanggap bes!
Tapos ito pa, sayo na lang din
napupunta ang sweldo ko.
Ang tagal ko na gusto magipon
pero wala eh, binigay ko sayo lahat.
Kasalanan ko din kasi eh,
di ako nagtira para sa sarili ko.
Kaya ngayon, hirap na hirap ako.
Pasensya ka na.
Ayoko na!
Makikipaghiwalay na ako sayo.
Simula ngayon…
“MATUTUTO NAKO HUMINDI”
(Photo from this Link)
Kung noon, bawat kainan, sige ng sige
Ngayon, pipiliin ko na lang.
Kapag busog na ako, hindi ko na ipipililit
na lamnan pa ang aking bibig at tiyan.
Kung alam kong wala naman sa budget
magsi-switch ako sa ibang alternative
na hindi naman ako magugutom at
the same time, hindi kailangang gumasta masyado.
- Puwede ko baunin yung ulam namin kagabi,
- Gigising ako ng maaga para makaluto o
- Hahanap ako ng mura pero sulit.
Madami naman kasing paraan.
Kailangan ko lang labanan ang temptation
kung talagang seryoso akong makaipon.
“HINDI NA AKO MAGPAPADALA”
(Photo from this Link)
Minsan kasi, inaamin ko naman
na isang sutsot lang sa akin
ng aking mga kaibigan o kaopisina
sama ako ng sama sa takot kong
masabihan ng K.J or
baka sabihin nila wala akong pera.
Ngayon naiintindihan ko na.
Kung walang budget, wala talaga
hindi ko kailangang magpakitang tao.
Kung kaibigan ko sila,
maiintindihan din nila ako.
Ang maganda pa diyan, baka nga
maengganyo at mahikayat ko pa sila magipon.
Pag nakita nilang wais ako sa food pero
nakakainvest, nakakapundar, at
walang utang? Nako, I’m sure
maiimpluwensyahan din sila.
“I WILL PROVE NA WORTH IT ITO”
(Photo from this Link)
Road to BILYONaryo at hindi BILBILyonaryo.
Ipapakita ko na malayo ang mararating
ng pagtitipid ko (pero hindi gutom).
Ipapakita ko na masarap sa pakiramdam
yung nakakapagtabi ako para sa
mas mahahalagang bagay at hindi lang
nasasayang at tinatapon sa kakakain sa labas.
Ipapakita ko na ang ang pagiipon
ang sagot para umasenso sa buhay.
Hindi sa liit o laki ng sweldo
kundi sa pagiging wais sa paghawak ng pera.
Kaya naman GOODBYE BILBIL, HELLO IPON!
From your EX.
Kung gusto mo simulan ang ang pagiipon
Isama mo na pati ang iyong pamilya at kaibigan
sa aking seminar:
#IPONPAMORE: Maging IPONaryo para Umasenso
January 20, 2018 . 1:30-6PM
Victory Greenhills Center
4th Floor, V Mall Shopping Center
Greenhills, San Juan City
INDIVIDUAL TICKET (P500) w/ free book
Click here: https://chinkshop.com/
FAMILY PACK
4+1 ticket FREE (P2,000) with free 5 books
Click here: https://chinkshop.com/
BARKADA PACK
7+3 tickets FREE (P3,500) with free 10 books
Click here: https://shop.chinkeetan.com/product/barangay-iponaryo-10/
TEAM BAHAY/ TEAM ABROAD (P500)
One month Access
Click here: https://shop.chinkeetan.com/product/team-bahay-iponpamore/
“Sisiguraduhin ko na pera na ang maiipon ko ngayong 2018 at
tatanggalin ko na ang bilbil na naipon ko last year”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano-ano ang pinagsamahan niyo ng inyong bilbil?
- Ready ka na ba siya ilet go?
- Gagawin mo ba ito para makaipon ka na?
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“BUILDING AN APARTMENT THROUGH BANK LOAN”
Click here to watch➡➡➡http://bit.ly/2mfkJB8
=====================================================
DIARY OF A PULUBI
PER PIECE:
P150+100 shipping and handling fee
BULK ORDER PROMO
50% OFF; FREE SHIPPING
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2yPyf6Z
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.