Para ito sa mga taong nilait noon.
Here’s your chance para ma-redeem ang sarili mo!
Today’s letter:
Dear Laitero, hindi na ako magpapa-apekto!
Dear Laitero,
Nilait ako noon,
wapakels na ako ngayon.
‘Yan ang mantra ko this 2018!
Mali eh, nagpa-apekto ako noon.
Mega cry cry pa sa kwarto.
Galit na galit at mainitin ang ulo
sa lahat ng mga nanlait sa akin.
Kaya lagi ko na lang kayo
pinaparinggan sa Facebook.
Umapoy na ang keyboard at cellphone
sa sobrang sama ng loob.
Sayang ang oras na ginugol ko
kakaisip sa sinabi niyo sa akin.
Bumaba ang tingin ko sa sarili ko.
Na-depressed at hindi na halos makaahon.
Kesyo:
- Hindi ko daw kaya.
- Mababaon lang daw ako sa utang.
- Hindi daw ako magtatagumpay.
- Hanggang dito na lang daw ako.
- Hindi ko daw kaya magbago…
Puwes…
Ibahin niyo ako this 2018!
Hindi na ako magpapa-apekto.
Ipapakita ko na kaya ko.
Hindi para sa ibang tao
kundi para sa sarili ko.
Simula ngayon:
“HINDI NA AKO MANINIWALA SA KANILA”
(Photo from this Link)
Wala naman kasing ibang nakaaalam
ng aking kakayahan kundi ako lang.
Kaya bakit ako kailangan makinig sa kanila?
Sinasabi lang nila iyon dahil sa
inggit, walang magawa, at
gusto lang manira ng kapwa.
Kaya walang rason para sila’y paniwalaan.
Alam kong kaya ko.
‘Yun lang dapat sapat na.
“MAGSISIPAG AKO”
(Photo from this Link)
Maaaring challenging ang pangarap ko
pero di bale na.
Gagawin ko ang lahat para makamit ito.
Hindi ako susuko.
Alam kong makababayad ako ng utang
dahil hahanap ako ng additional income
at magtitipid ako para may maibayad.
Alam kong makahahanap ako ng magandang trabaho
dahil iga-grab ko ang lahat ng oportunidad
hanggang sa mapadpad ako sa nararapat sa akin.
Alam kong makakabawi ang business ko
dahil iisip ako ng ibang marketing strategy na
hindi ko pa nagagawa noon.
Alam kong makaaalis ako sa bisyo
dahil ako mismo ang iiwas.
Iisipin ko na walang magandang maidudulot
kung mananatili ako sa ganitong estado.
“SASAMA LANG AKO SA TOTOONG TAO”
(Photo from this Link)
Kapag totoong tao ang kasama ko
hindi nila ako sisiraan.
May mali man sa akin
sasabihin nila ito ng harap harapan
pero naroon pa rin ang respeto at
hindi bibira ng patalikod.
Kapag totoong tao ang kasama ko,
sila pa itong magpu-push sa akin
para mapabuti ako at hindi ako
hihilahin pababa.
Malaki ang tiwala nila sa akin
kaya ganoon na lang ang kanilang malasakit.
Goodbye sa mga Laitero!
From, #NewYearNewMe
“Di bale ng maliit ang tingin sa iyo, importante alam mo sa sarili mong kaya mo!”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anung masasakit ang mga nasabi sa ‘yo noon?
- Paano mo ito hinarap?
- Anong gagawin mo para bumalik ang tiwala sa sarili?
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“MONITORING THE CASH FLOW OF BUY AND SELL BIZ”
Click here to watch➡➡➡http://bit.ly/2mqLDWU
=====================================================
DIARY OF A PULUBI
PER PIECE:
P150+100 shipping and handling fee
BULK ORDER PROMO
50% OFF; FREE SHIPPING
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2yPyf6Z
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.