Nangungutang
May kakilala ka bang ipit ngayon sa utang?
O baka naman tayo mismo ang may utang?
Eh kamusta naman?
“Kakainis, tawag ng tawag”
“Binlock ko na nga eh!”
“Napapahiya na ako, nagpost na s’ya sa FB!”
Ito yung isa sa common way
kapag meron tayo pinagkakautangan.
- Tawag ng tawag
- Padala ng sulat o DEMAND letter
- Kakatok sa bahay
- Sandamakmak na parinig sa social media
Nakaririndi ‘di ba?
Nakabibingi na para bang gusto na lang
natin patayin yung cellphone at ibilin
sa mga kasama sa bahay na:
“SABIHIN MO WALA AKOOOO.”
kapag may naghanap sa atin.
Kaso hindi gano’n eh.
Hindi natin pwede takasan.
Nagpahiram sila sa atin
kaya ngayon, oras na para singilin.
Para hindi tayo marindi at mabingi…
MAGBAYAD NA TAYO
(Photo from this Link)
Kaya tayo kinakalampag kasi
hindi pa tayo nagbabayad ng utang.
Hindi naman sila ma-eh-H.B. o High Blood
kung nabayaran na sila.
Huwag natin sila takasan, my friend.
“Eh Chinkee, walang wala pa kasi talaga akong pambayad.”
“Natatakot ako mag-explain.”
“Galit na siya eh, paano pa ako haharap?”
O kung gano’n
na hindi pa available ang funds…
MAKIPAG-USAP NG MAAYOS nangungutang
(Photo from this Link)
“Sorry ah, promise sa sahod ko.”
“Okay lang bang humingi ng palugit?”
“Pasensya na talaga ah.”
Ang worry? Baka magalit?
Wala naman hindi nadadaan
sa magandang usapan.
Mas katanggap-tanggap yung sasabihin ang totoo
kaysa naghahagilap sila at
nanghuhula kung kailan tayo magbabayad.
Kung magalit, sumama ang loob, at
may masabing hindi maganda,
tanggapin at humingi ng dispensa.
Baka kasi nakapangako tayo at
‘di natin natupad o kaya
nagset tayo ng deadline pero
sabay magtatago.
Ay talagang magdadamdam ‘yan.
GUMAWA NG PARAAN nangungutang
(Photo from this Link)
Yung perang inutang natin,
hiram ‘yan hindi bigay,
Kaya nga tinawag na UTANG.
Ibig sabihin kailangan natin ibalik.
Paano? Gumawa ng paraan.
Huwag tayong titigil hanggat
hindi malinis ang listahan ng utang.
Doble kayod ika nga.
3 M’s para makabayad:
MAGTIPID
Lahat ng pwede nating matipid mula
tubig, kuryente, load, pamasahe,
isipin mabuti, para yung matitipid,
ipandagdag sa bayarin.
MAGHANAP NG EXTRA INCOME
Kung hindi kaya ng sweldo
Go go go sa paghahanap ng pagkakakitaan.
Mag part time, subukan ang buy and sell,
online tutor, or offer your services.
Madami ‘yan! Tiyagaan lang.
MAGTIIS
Huwag maawa sa sarili.
Kailangan natin itong gawin para
matapos na ang sakit ng ulo ninyong dalawa.
Kalimutan na muna ang pagkain-kain sa labas.
Ipagpaliban na muna ang travel.
Iwasan na ang pagbili ng hindi kailangan.
Focus muna tayo dito.
“Pag nangungutang, galing magmakaawa. Pag sinisingil, nakakarindi at nakakasawa”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- May utang ka ba ngayon?
- Paano mo ito masosolusyunan?
- Willing ka ba magsakripisyo?
=====================================================
CHINKEE TAN UPDATE:
BOOKS
IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: https://chinkshop.com/products/my-ipon-diary
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off P750
20 “My Ipon Diary” 50% off P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://shop.chinkeetan.com/product/diary-of-a-pulubi/
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“PRACTICAL TIPS FOR ONLINE SELLING”
Click here to watch➡➡➡https://youtu.be/OBwnoIJBk2g
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ https://chinkshop.com/pages/moneykit
=====================================================
UPCOMING SEMINAR
“Happy Wife, Happy Life”
Registration: P950 per couple
Early Bird Rate: P750 per couple
March 10, 2018/ Victory Greenhills San Juan
A Seminar Featuring Chinkee and Nove-Ann Tan and Julius and Tintin Babao
“To Build Stronger Marriages One Couple At A Time.”
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.