Naranasan n’yo na bang mag-away tungkol sa pera?
Yung wala ng ibang marinig kundi
sigawan mula umaga hanggang gabi?
Hindi lang sa bahay ah
maski sa bahay ng mga biyenan,
sa mall, sa restaurant,
wala ng pinipili.
Para tayong mga armalite na
walang tigil ang mga bibig.
Sadly, money is one of the reasons
kaya nasisira ang samahan.
Okay naman tayo sa ibang bagay pero
kapag nababanggit na ito
talaga namang nagpapanting na ang
tenga ng isa sa atin.
Yung iba kasi sa atin patay malisya,
change topic, o bingi-bingihan.
Masyadong sensitive!
Ano nga ba ang dahilan bakit
nasisira ang samahan ng mga mag-asawa
‘pag pera na ang pinag-uusapan?
KINIKIMKIM ANG NARARAMDAMAN
(Photo from this Link)
Ito yung mga scenario na
- Matagal na tayo nagtitimpi, hindi sinasabi.
- May kinaiinisan tayo sa partner natin, nililihim natin.
- Kapag may hindi nagustuhan, mas pinipiling itago na lang.
Tinatago natin yung nararamdaman natin
na para bang naglalaro ng tagu-taguan.
Kadalasan pa, we expect na mahuhulaan ng ating partner
kung ano ang problema na kapag hindi
nahulaan—ayun nagagalit na tayo.
The more na tinatago natin
the more na sisingaw ang baho nito
lalo na kapag napuno.
Mas lalaki ang away.
NAGLILIHIM SA NAGAWA
(Photo from this Link)
- Pinahiram ng pera ang magulang at kapatid.
- Pinautang si pare.
- Naisugal ang ipon.
- Nagalaw ang pambayad sa bills.
- Nabaon sa utang ang business.
Sa lahat ng mga ito
dahil sa takot natin, hindi tuloy natin inaamin
sa ating mga asawa.
“Magagalit lang siya.”
“Kaya ko na ‘to.”
“Pag-aawayan lang namin.”
“Gulo lang ‘pag nalaman.”
In the first place,
Bakit natin ito ginawa ng hindi nila alam?
Sabihin nating hindi sinasadya,
karapatan nilang malaman
masaktan o magalit man sila.
Para sabay din natin sosolusyunan.
Kapag sa iba pa nila nalaman
or dumating sa point na
hindi natin magawan ng paraan
sa sobrang laki na ng problema
mas lalo lang ito pag-aawayan.
PATAASAN NG PRIDE
(Photo from this Link)
Sorry for the term, pataasan ng ihi.
Masyado tayong ma-pride
na ayaw nating tanggapin na
may mali sa sinabi natin o
hindi natin ma-take kapag mas
tama si mister o misis.
Kung pride lang ang paiiralin
eh talagang hindi matatapos ang usapan.
Laging walang magpapakumbaba,
ayaw mag-sorry,
gusto natin tayo lang ang tama.
Matuto tayong makinig
At magpatawad sa isa’t isa.
May mali man tayo o wala
dapat mas matimbang ang ating mga asawa
kaysa sa issue na pinag-aawayan.
More couple tips sa aking HAPPY WIFE HAPPY LIFE SEMINAR!
Click HERE to Register!
“Hindi dapat nasisira ang samahan ng mag-asawa lalung-lalo na kung ang dahilan ng ‘di pagkakaunawaan ay tungkol lamang sa pera.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anong kadalasan ninyong pag-awayan ni mister o misis?
- Bakit nauuwi sa away ang pag-uusap tungkol sa pera?
- Paano ninyo ito iiwasan?
=====================================================
CHINKEE TAN UPDATE:
BOOKS
IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: https://chinkshop.com/products/my-ipon-diary
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off P750
20 “My Ipon Diary” 50% off P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://shop.chinkeetan.com/product/diary-of-a-pulubi/
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“STARTING A STREET FOOD BUSINESS”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2ogQc7G
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ https://chinkshop.com/pages/moneykit
=====================================================
UPCOMING SEMINAR
“Happy Wife, Happy Life”
Register now and get a Happy Wife Happy Life book for FREE!
https://shop.chinkeetan.com/product/hwhl/?ref=12&campaign=HappyWifeLiveEvent
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.