May kilala ba kayo na isang tawag lang,
nand’yan na agad?
Walang nang ‘isip-isip, tulong agad!
Madalas sila pa ang nag-aalok.
Kaya ang tingin tuloy natin sa kanila
is the ever helpful emergency friend.
Akala natin okay lang
Kasi naman, always available 24/7.
Ang tendency? We became so dependent on them.
“Siya na bahala diyan.”
“Yaman yaman nila eh, ano ba naman yung manghiram tayo”
Hayun! Kung may mga pagkakataon
na we need to stand on our feet,
hindi natin alam kung paano.
Masyado tayong nagiging kampante
na may handang tumulong sa atin.
Yung tipo na kung wala sila,
magiging mahirap ang buhay.
Eh, paano na lang kung
wala na ang mga taong 24/7 tutulong sa atin?
Ano na mangyayari sa atin niyan? NGA-NGA!
Kaya…
KILOS KILOS PAG MAY TIME tulungan
(Photo from this Link)
Madalas, hindi tayo gumagalaw
Kasi may mga taong kumikilos para sa atin.
‘Kung sila man ay always available
hindi ito dahilan para sila’y abusuhin.
Nagkataon lang na gusto nila makatulong sa atin.
Kilos kilos din pag may time.
May sarili tayong galing sa iba’t ibang aspeto
kaya huwag natin sayangin ito.
HUWAG JUAN TAMAD tulungan
(Photo from this Link)
Madalas natatabunan ng katamaran.
O ‘procrastination’ kung tawagin.
Yung pwede naman gawin ngayon eh
ipapagpabukas pa.
“Bukas na lang. Wala pang deadline.”
“May oras pa naman bukas ng umaga, bahala na”
Tapos kung deadline na, magmamadali at magrereklamo.
Kesyo ang tinambakan tayo ng trabaho ni boss “KUNO”.
Pero ang totoo, inuna pa kasi natin ang pagche-check sa facebook,
chill-chill sa lamesa at paikot ikot lang sa ating computer chair.
Hustisya please!
Hindi tayo ipinanganak para maging tamad.
Madaming taong naghahanap ng trabaho
maswerte tayo’t nandito na tayo kaya
i-maximize natin ito.
Gawin ang dapat gawin NOW NA!
HINDI LAGING MAY TUTULONG SA ATIN
(Photo from this Link)
May dahilan kung bakit ang utak
ay mas mataas ang kinalalagyan kaysa sa puso.
Para gamitin sa pagdedesisyon
at pag-iisip ng tama na may balanse.
Hindi sa lahat ng pagkakataon
may handang tumulong sa atin.
Kung kailangan humingi ng tulong, okay lang
pero kung nagiging dahilan na ito para
hindi na tayo kumilos at para bang
naghihintay na lang tayong may malaglag na biyaya,
dun na nagiging mali.
“Kailangan ay tulungan mo rin ang sarili mo dahil hindi sa lahat ng panahon ay may tutulong sa ’yo.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Madalas ka bang umasa sa tulong ng ibang tao?
- Bakit hindi muna subukang tulungan ang sarili bago humingi ng saklolo?
=====================================================
CHINKEE TAN UPDATE:
BOOKS
IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: https://chinkshop.com/products/my-ipon-diary
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off P750
20 “My Ipon Diary” 50% off P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://shop.chinkeetan.com/product/diary-of-a-pulubi/
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“ENCOURAGING OUR CHILDREN TO DO BUSINESS”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2sJzvGU
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ https://chinkshop.com/pages/moneykit
=====================================================
UPCOMING SEMINAR
“Happy Wife, Happy Life”
Registration: P950 per couple
“To Build Stronger Marriages One Couple At A Time.”
https://shop.chinkeetan.com/product/team-bahay-happy-wife/?ref=12&campaign=HappyWifeTeamBahay
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.