Natatandaan n’yo pa ba?
Last time, naibahagi ko ang
Tip #1: Iwasan mapasama sa maling barkada
sa 5 Mistakes na dapat iwasan para hindi maging pulubi.
Ano kaya yung next?
Clue: Laman na tayo ng mga kainan!
Bakit kaya?
- Baka lagi tayo naiimpluwensyahan at nagpapadala.
- Nasasabihan ng K.J o walang pakisama.
Kaya yun, bumibigay na lang tayo.
Pero alam niyo ba, the more we give in,
the more it can affect the way we live,
speak and even spend.
Kaya’t bago pa tuluyang magbago
ang pitakang busog na busog sa ipon,
let’s take some precautions.
Tip #2:
“IWASAN ANG MALALAKAS KUMAIN”
Ooops! Alam kong masarap kumain.
Lalo na kapag kasama natin ang mga kaibigan.
Pero bago magbitiw ng matamis na OO…
I-CHECK MUNA ANG PITAKA
(Photo from this Link)
Yung sinasabi ba nilang restaurant ay swak sa budget?
May matitira pa ba sa allowance pagkatapos?
Yun lang naman ang kailangan natin sagutin.
Kung kaya, then go.
Kung hindi at limited ang budget for now,
it’s okay to say PASS or NO.
I-CHECK MUNA ANG TIYAN
(Photo from this Link)
Iba kasi yung ‘busog na’ sa ‘pwede pa’ o ‘gutom talaga’.
Maaaring ‘busog na’ at hindi na kaya.
Meron naman na ‘pwede pa’ kung may space pa ang t’yan.
At ‘gutom talaga’ kung ginugutom nga naman.
Tayo kaso minsan ang hilig nating ipilit ang hindi na pwede.
Halos masuka na, bumukas na ang pantalon, o damit
Hala sige, walang preno pa din.
Ibang usapan na ito, kapatid!
Gluttony na tawag dito! At hindi na ito tama.
“Eh baka kasi sabihin wala akong pera”
“Baka hindi na ako isama sa susunod”
Iisipin pa ba natin ang sasabihin nila
kung alam naman natin sa sarili natin na
hindi na natin kaya?
Magpakatotoo tayo mga KaChink.
I-CHECK ANG INTENSYON
(Photo from this Link)
Sasama ba tayo sa kanila dahil sa peer pressure,
sa libre or to get to know them well?
Hindi maikakaila na the best way to win people
is through their stomach.
No one can resist food.
Pero kung ang intensyon lang
ay para makaiwas sa peer pressure,
Ibang usapan na yan.
Sumama o hindi,
meron at merong masasabi ang mga taong
hindi pinapahalagahan ang pagkakaibigan.
Kung totoo sila,
maiintindihan nila tayo at
hindi nila tayo huhusgahan.
“IWASAN ANG MGA MALALAKAS KUMAIN.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- May mga kaibigan ka bang malalakas kumain?
- Ano ang epekto nito sa ’yo at sa budget mo?
=====================================================
CHINKEE TAN UPDATE:
BOOKS
IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off P750
20 “My Ipon Diary” 50% off P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off + 2 FREE P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREE P3,000
Click here: http://bit.ly/2F3GwHa
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“INVESTMENT 101”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2I2LvH4
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
=====================================================
UPCOMING SEMINAR
“Happy Wife, Happy Life LIVE STREAMING”
Registration: P950 per couple
March 10, 2018
With ONE MONTH Free Access and FREE Book
Click here: http://bit.ly/2ovAfKo
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.