Para sa atin,
ano nga ba ang sukatan ng pagkakaibigan?
Ito ba yung:
- Dadamayan tayo parati sa oras ng kagipitan?
- Papautangin tayo kung kailan natin gusto?
- O yung hindi nagbibilangan ng utang?
Eh paano kung hindi nila ito nagampanan,
puputulin na din ba natin ang ating pagkakaibigan?
“Nakaluluwag luwag naman siya, siya pa itong madamot.”
“Hindi ko pwede ituring kaibigan ang walang awa.”
“Yoko na, solian na ng kandila, ‘di ako pinautang man lang.”
Kung ganito na rin lang ang basis natin ng pagkakaibigan
kung pera pera lang ang ating gusto,
malamang, hindi talaga tayo seryoso
dahil obviously, may hidden agenda tayo.
Wala namang masama humingi ng tulong sa iba
pero sana din kung hindi nila tayo mapagbigyan
huwag naman sana tayong bitter ocampo.
Instead, kailangan natin maintindihan na…
HINDI NILA TAYO OBLIGASYON
(Photo from this Link)
Bakit tayo pa ang galit?
Bakit tayo pa ang may lakas ng loob mainis
kapag hindi nila tayo pinautang?
May patago ba tayo para mag-demand
ng ganon-ganon na lang?
Wala naman ‘di ba?
Tayo ay nakikiusap lamang.
Huwag tayo mag-feeling na pananagutan nila tayo.
SILA AY MAY PANGANGAILANGAN DIN pagkakaibigan
(Photo from this Link)
Tulad natin, meron din silang mga bagay
na kailangang unahin bago tayo.
Kumakain din sila.
May mga bills din silang babayaran.
May mga pinag-aaral din sila.
At may pinagkakagastusan din sila.
Ang pera nila, hindi naman ‘yan naka tengga lang
na naghihintay na may humiram.
Ginagamit din nila ito.
Kung sabihin nilang:
“Pasensya ka na ah, sakto lang eh.”
“Uy sorry, may pag gagamitan kasi ako.”
Intindihin natin ito at respituhin.
Huwag nating ipilit ang gusto natin o
pagdudahan sila dahil lang sa hindi tayo napagbigyan.
“Sus, maniwala akong walang pera ‘yan.”
“Ayaw lang niya maglabas. ‘Kala mo naman hindi babayaran.”
Ay ‘wag naman pong gano’n.
Kung anong sinabi, iyon ang paniwalaan.
Totoo man o hindi, wala tayong karapatang magreklamo.
HINDI PERA ANG SUKATAN NG PAGKAKAIBIGAN
(Photo from this Link)
Parati kong sinasabi na hindi laging pera
ang paraan ng pagtulong.
Kung tayo man ay nagigipit
pwede naman tayo humingi ng tulong
na hindi pera ang hinihingi o hinihiram.
Magpatulong paano:
- Mag-ipon at mag-budget
- Magsimula ng garage sale para kumita
- Maghanap ng trabaho baka may kakilala sila
Iyan ang tunay na pagkakaibigan.
Hindi nililimitahan ang samahan sa pera lamang.
“Hindi sukatan ng isang pagkakaibigan ang pagpapautang
kaya huwag magtampo kapag hindi napagbigyan.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano ang pagkakaibigan para sa iyo? Pera o higit pa dito?
- Anong gagawin mo kung hindi ka napautang? Magtatampo o iintindihin?
- Anong tulong ang pwede mong hingin maliban sa pera?
=====================================================
CHINKEE TAN UPDATE:
BOOKS
IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off P750
20 “My Ipon Diary” 50% off P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off + 2 FREE P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREE P3,000
Click here: http://bit.ly/2F3GwHa
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“SANA…”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2p2xD7A
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.