Nakakita lang ng full-bodied mirror
sa CR ng mall, pinichuran agad ang sarili!
Nag-makeup kahit wala namang okasyon,
nakasagap ng magandang lighting sa kwarto.
Pak! Selfie!
Kahit saan, walang palya!
Post agad sa facebook with matching caption,
#OOTD #ATM #FeelingInspired #WokeUpLikeThis
Nakakailang selfie shots ba tayo sa isang araw, KaChink?
Balita ko, isa ang Pilipinas
sa pinakamaraming mahilig mag-selfie sa mundo.
Yung kahit kakain na lang,
mag-pause muna para pichuran ang pagkain.
Top view, side view proper lighting, good angle.
Tapos ieedit pa, icrop, iadjust ng konti.
Naku! Lalo na kung Instagrammable.
Later we knew, lumamig na ang pagkain.
Dinatnan na tayo ng sebo!
Hindi sa sinasabi kong against ako sa selfies.
Kahit nga ako ay ginagawa ko rin yan.
Pero ang tanong siguro ay ito:
“Nagagamit ko ba ito sa tama?”
Baka kasi…
SELFIE-LIFE NA TAYO
(Photo from this Link)
Yung tipong mas maraming oras
yung napupunta sa pag-seselfie.
Later we knew, yun na lang ang nagawa sa maghapon.
This also means that we are heading
in the path of selfishness.
We may not notice it but we become
more indulged with ourselves.
“Ako na lang ba lagi?”
Ang dapat gawin?
MAKE IPON THAN SELFIE
(Photo from this Link)
Nakakailang selfies ba tayo sa isang araw?
Kung convertible to cash ang selfie shots natin,
aba! Mayaman na tayo!
Kung mas nauubos ang oras sa kaka-selfie,
tapos ang trabaho natin ay hindi na natin napapagtuunan ng pansin,
napapabayaan dahil focus tayo masyado sa
pwedeng kunan ng ating mga gadget…
Lugi tayo niyan!
Eh bakit hindi natin pagkakitaan na lang?
Dahil alam niyo ba…
SELFIE CAN BE A WAY OF MARKETING
(Photo from this Link)
Arts and crafts online business ba ‘yan?
Fashion accessories na ginawa mo?
Why not pose a selfie wearing a product?
Gamitin ang dami ng friends for advertising your own products.
Kung expertise ang everyday selfie, you’ll be hitting two birds in one stone
whenever you post your pics and sell.
“Kung sa bawat Selfie ay may katumbas na pera sa bangko…
Sigurado akong Daang Libo na ang ating naipon”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Selfie expert ka rin ba?
- Ano ang pwede mong simulan para maging income generating ang selfies mo?
=====================================================
CHINKEE TAN UPDATE:
BOOKS
IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off +2 FREE P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“MOBILE RICE MILL”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2IpN6aa
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.