Minsan ka na ba nahusgahan ng ibang tao?
Hindi naman nila alam ang tunay na storya
pero sobra silang makapagsalita ng hindi maganda?
Meron akong nabasang article just recently
about a teenage girl who was buying
a whole box of condoms sa isang drugstore.
Those at the counter said:
“Grabe na talaga kabataan ngayon.”
“Iha, sure ka ba sa bibilhin mo?”
“Napabayaan na ata ng magulang.”
Hindi na siya sana magsasalita
pero napilitan siya dahil
napapahiya na din siya.
To cut the long story short,
Para pala ito sa…
HOSPITAL PROCEDURE NA GAGAWIN
SA KANYANG TERMINALLY ILL NA NANAY!
Hay grabe.
Meron kasi talagang mga taong
napaka bilis mag-conclude kahit hindi naman kilala yung tao.
Panay negative comment, masasakit na salita
kahit pa wala silang kaalam alam sa storya.
Masyado tayong naniniwala sa
gusto nating paniwalaan kahit
pwede naman muna tayo magtanong o
kaya huwag na lang pansinin kung
wala naman tayong kinalaman dito.
Bakit kaya may mga taong madali manghusga?
FEELING NATIN, HINDI TAYO MAGKA-LEVEL
(Photo from this Link)
Ito yung feeling na kapag ginawa ng isang tao
ang isang bagay na never natin gagawin,
sa paningin natin eh mali na.
“Grabe hindi ako magdadamit ng ganyan.”
“Kung ako ‘yan, hindi ko gagawin ‘yan.”
“Nako, asa! Never kong papatulan ‘yan.”
Kung ano man ang bumabali sa
sarili nating paniniwala at values,
automatic, ‘masama’ na kaagad para sa atin.
Alam n’yo,
iba iba tayo ng storya,
lahat tayo may kanya kanyang hugot
kaya natin nagagawa ang isang bagay.
So hangga’t hindi mismo natin nadidinig
ang dahilan mula sa kanila, wala tayong
karapatang manghusga ng kapwa.
FEELING PERPEKTO manghusga
(Photo from this Link)
Maaaring mali o hindi tama
pero tandaan natin na
hindi naman din tayo perpekto.
Madami din tayong pagkakamali
na hindi natin namamalayan.
Kung tayo ay punahin dahil sa kamalian natin,
gugustuhin din ba nating husgahan tayo?
Syempre hindi ‘di ba?
Tingin tingin muna tayo sa salamin mga friendship
bago pa tayo lumihis ng tingin sa iba.
Baka kasi mamaya, bumalik sa atin
yung masasamang sinasabi natin sa kanila.
WALANG MAGAWA SA BUHAY manghusga
(Photo from this Link)
Kapag idle tayo…
Walang magawa…
Madami tayong time para pumuna…
Lahat ng tao pati na din ang kanilang
mga ginagawa ay mapapansin natin.
Ultimo kahit kaliit-liitang bagay
na dapat ay hindi na natin pinapakialaman
ay makikita ng ating mga mata.
If we think na meron tayong tendency na ganito
let’s make sure to keep ourselves busy.
Sa daming pwedeng gawin sa maghapon
ito dapat ang pinaka huli nating
maisip na gagawin.
Una, wala naman tayong mapapala.
Pangalawa, makasasakit lang tayo.
At pangatlo, hindi ito maganda.
“May mga taong grabe kung manghusga ng kapwa,
pero hindi napapansin ang sariling pagkukulang nila.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Bakit ka kaya nanghuhusga ng kapwa?
- Paano mo ito maiiwasan para hindi ka makasakit?
- Kung ikaw ba ay huhusgahan din, matutuwa ka kaya?
=====================================================
CHINKEE TAN UPDATE:
BOOKS
IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off +2 FREE P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“GETTING INTO GRAPHICS AND PHOTOGRAPHY BUSINESS”
Click here to watch➡➡➡ https://youtu.be/hFZYxpT4TsE
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.