Kapag nadidinig n’yo ang salitang INTIMACY
anong pumapasok sa isipan n’yo?
Kadalasan, something sexual hindi ba?
Pero hindi lang ito ang ibig sabihin nito.
Intimacy also means CLOSENESS o
paraan para maging mas mapalapit tayo
sa ating mga asawa.
Kung kayo ang tatanungin,
gaano kayo ka-close ni mister o misis?
“Di na kami nag gu-goodnight kiss.”
“Hindi na kami nagsasabihan ng I love you.”
“Mas madalas pa niya kasama barkada niya.”
“Ewan ko ba parang hindi na siya yung pinakasalan ko.”
If we don’t strengthen our intimacy,
maaaring mag arrive tayo sa mga pitfalls na ito.
Ang marriage natin ay parang magiging
kadenang unti-unting nakakalas
kapag hinayaan natin itong mangalawang at mabulok.
Ganyan ito kahalaga sa relationship.
Anu-anong mga paraan ang dapat gawin
upang mapanatili natin ang matibay na
pagsasama at closeness nating mag-asawa?
HANGGAT MAAARI, DAPAT MAGKASAMA PARATI (Social Intimacy)
(Photo from this Link)
Sa mga gatherings,
lagi ba tayong present sa tabi nila?
Nakikihalubilo ba tayo?
Or hinahayaan natin sila mag-isa,
na para bang ikamamatay natin kapag
sumama tayo sa kanila?
“Anong gagawin ko dun, wala naman akong kakilala dun.”
“Sus, sayang lang sa oras.”
“Kaya n’ya na yun, malaki na siya.”
Nako may kakilala o wala,
kaibigan man o event sa opisina
ang kanyang pupuntahan,
always be present.
Kilalanin natin ang kanilang mundong ginagalawan
at hindi yung iiwasan.
Ito yung isang paraan para hindi
tayo nanghuhula.
Alam natin kung sino ang kasama,
anong ginagawa niya, anong latest,
at magkaroon ng time man lang to get to know
the people around him / her.
Huwag masyadong K.J.
SIKAPING ARALIN ANG GUSTO NIYA (Intellectual Intimacy)
(Photo from this Link)
Tayo fan ng basketball
Siya, fan ng teleserye.
Tayo, gusto ng aksyon.
Sila, gusto drama.
Magkaiba ng hilig pero
hindi dapat tayo makuntento dito.
Sikapin nating maka relate tayo sa kanila
kasi kung hindi, maaaring sa ibang tao
sila magkwento. Sa taong nakakaintindi.
Ask questions like:
“Mahal, paano ba gawin ‘yan?”
“Sinong artista ‘yan?”
“Di ba, pag sa basketball, ganito ganyan?”
Hindi naman kailangang magpaka expert.
Small talks will do.
Malay n’yo eventually, interest will build up
hanggang sa magmeet na tayo sa gitna.
MANALIG AT MAGDASAL NG SABAY (Spiritual Intimacy)
(Photo from this Link)
Importante sa relasyon na may gabay ng Panginoon.
Kasi kung we’re not on the same page,
hindi natin maa-achieve ito.
- Kapag nagsisimba, solo flight tayo.
- Kung sabay naman magsimba, cellphone ang hawak ng isa.
- Excited sila umattend ng church, tayo sapilitan pa.
Dapat sabay tayo nananampalataya.
We are each other’s prayer partners.
Hindi pwedeng isa lang ang nag go-grow
sa walk natin with God.
Ugaliing ipagdasal ang isa’t isa at
ang ating buhay bilang mag-asawa.
Sa journey nating ito,
Siya ang dapat sentro ng ating relasyon na
patitibayin Niya ng magkasama at hindi kanya-kanya.
“Dapat mas close tayo sa ating mga asawa kaysa sa kaibigan o mga kaopisina.”
-Chinkeee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Meron ba kayong intimacy ni mister o misis?
- Anong tingin n’yo ang kulang sa inyo?
- Paano n’yo ito mapapatibay?
=====================================================
CHINKEE TAN UPDATE:
BOOKS
IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off +2 FREE P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“SAAN MAGANDA MAG-IPON, URINOLA O TABO?”
Click here to watch➡➡➡ https://youtu.be/nht0PngB-yw
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.