Kapag nag-uusap kayo ng inyong significant other
ano ang lagi ninyong topic?
“Punta tayo sa Batangas!”
“Sa anniversary, Hongkong naman tayo!”
“May bagong resto sa BGC, tara let’s!”
Laging palabas ang pera.
Gala dito, gala doon.
Selfie dito, selfie doon.
#TravelGoals dito, #TravelGoals doon.
Ay, nako po, hindi na natapos tapos.
Hindi naman ako nagpapaka K.J.
Kami din naman ng aking misis
may mga lugar din kaming pinupuntahan,
parte ng relationship ‘yan eh,
to explore something new together whenever possible.
Pero sa lahat ng ating mga gala,
may naiipon din naman ba o
wala ng natitira at laging nakakapit at
umaasa sa pagdating ng sweldo?
“Habang di pa kami kasal, at least magawa na namin.”
“Hala ipon agad? Mag boyfriend pa lang kami.”
“Saka na ‘yan, wala pa sa isip namin ‘yan.”
Alam n’yo ba na couples who are still in a relationship
has the biggest opportunity para makaipon?
Habang may oras pa, habang wala pa masyadong gastusin.
Para when things get serious
and you decided to get married,
hindi na tayo naghahagilap ng pangsimula
o pera kapag nangailangan.
Paano ba natin maa-achieve ang
pagiging #IponBuddies?
INSPIRE ONE ANOTHER ipon buddy
(Photo from this Link)
Motivate one another na mag-ipon.
Pag-usapan n’yo ang kahalagahan ng pagtatabi.
Kasi kung isa sa atin ay waldas
na halos walang wala ng natitira sa sweldo
dahil kung saan saan mismo napupunta,
tapos tayo ay pabebe lang na:
“Sige mahal, let’s go.”
“Kikitain din naman natin ito uli.”
…eh hindi natin marerealize kasi walang nagko-correct.
Yes, these things will make us happy
pero once na lumubog na tayo sa utang at
mauwi sa pagka simot ng sweldo,
hindi na ito masaya.
Balanse lang dapat.
HAVE A GOAL ipon buddy
(Photo from this Link)
Now that both of you wants to save,
ang tanong, ANO ang gusto n’yo pag-ipunan?
Mapa pansarili o para sa inyo, it doesn’t matter
as long as may objective ang inyong pag-iipon.
Para sa kasal ba?
Dream house?
Emergency fund?
Business na gusto itayo?
That way, nagiging transparent tayo sa isa’t isa
at alam natin saan tayo papunta.
Tayo ang magiging cheerleader
that will remind na:
“Go malapit na!”
“Kaunti na lang, kaya mo ‘yan!”
“Ilang buwan na lang, mabubuo na!”
DO IT FOR YOURSELVES ipon buddy
(Photo from this Link)
Nasabi ko kanina na okay lang naman to explore places,
okay lang mag-enjoy individually or together
basta may ipon namang nakatabi
at isa sa pinaka mahalaga, dapat
we DO IT FOR OURSELVES.
Baka kasi mamaya kuntodo plano tayo
picture picture, selfie with the nature, or
with the whole Disney crew tapos,
ginagawa lang pala natin para:
- Makapagyabang
- Matawag na #RelationshipGoals or #TravelBuddies
- Masabihan na ang “Swerte n’yo naman.”
Eh ibang usapan na yu’n.
We’re just doing it for OTHERS, obviously.
Mapapagastos talaga tayo because of pressure.
Biruin n’yo, time natin together pero
parehas tayo may hawak na cellphone,
GoPro, parehas nag i-IG story o FB live.
Wala na yung essence of togetherness
kung bawat kilos eh naka broadcast
just to impress others.
Mapa sa ibang lugar man o
kung walang budget at
sa bahay lang nag date,
do it because we want to spend quality time
with our loved ones.
“Piliin natin yung partner na bukod sa “Travel Buddy”
kailangan ay “Ipon Buddy” rin natin.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY. ipon buddy
- Kayo ba ay travel buddies pero #Iponbuddies din?
- Panay labas na lang ba ng pera o may naiipon naman?
- Anong goal ng inyong pagtatabi ng pera?
=====================================================
CHINKEE TAN UPDATE:
BOOKS
IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off +2 FREE P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“5 REASONS WHY PEOPLE GET DEPRESSED WITH MONEY”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2HvkAGa
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.