Kung si The Flash ay hindi mahuli-huli sa bilis,
si Superman ay macho sa lakas at nakalilipad,
anong kapangyarihan ang gusto n’yo kung kayo’y bibigyan?
Invisibility?
Para bigla na lang mawawala
kung sisingilin ng pinagkakautangan..?
O kaya ay Kage Bunshin
para makapagparami ng pera
nang walang kahirap-hirap!
Kung ganito kadali ang lahat, siguro most of us mayaman na.
O nagtatago na sa pinagkakautangan!
Pero kung titignan, ito ay pansarili lamang
kasi gusto natin instant yaman o kaya makapagtago sa responsibilidad.
Kaya, kung ako ay bibigyan ng kapangyarihan, yun ay…
THE POWER TO ALWAYS SPEAK KIND WORDS
(Photo from this Link)
We cannot deny that at times nakapagsalita na tayo ng hindi maganda.
Unintentionally or intentionally man ‘yan.
Sabi nila, tongue cannot be tamed.
Anumang bigat ng mga salitang lumabas
sa ating bibig ay mahirap nang bawiin.
Ang solusyon? Bago magsalita, pag-isipan muna.
Will these words build or break the person?
Kung hindi maganda ang maidudulot, better not to speak.
Uulitin ko, pag-isipan…
THE POWER TO BE A CATALYST OF CHANGE kapangyarihan
(Photo from this Link)
We always cry for this.
“Kainis ang dumi ng beach!”
Pero yung balat ng chichiryang kinain doon lang natin iniwan.
“Grabe mga tao, hindi marunong tumawid sa pedestrian”
Pero nakaharang naman kasi tayo sa dadaanan nila.
“Wala naman nangyayari eh”
Pero hindi tayo naglalakas loob na magsuggest.
Sa bahay, sa trabaho, sa kapwa,
sa gobyerno o kahit sa ating bakuran lang.
But as individuals, what are we doing?
Kung totoong pagbabago ang nais,
dapat ay manggaling ito sa atin.
Tama na ang pagpuna sa pagkakamali ng iba.
Magsimula muna sa ating sarili.
THE POWER OF A GOLDEN HEART kapangyarihan
(Photo from this Link)
I have friends who always say,
“Gaano man kasama ang ginawa sa ’yo,
matuto ka pa ring magpatawad…”
I still believe that the goodness of one’s heart
will heap burning coals on their heads.
Maniwala lang at ipagdasal na ang kabutihan ay manaig sa kanila.
Tandaan, anumang kapangyarihan ang ating ninanais…
“Ang kapangyarihan na para lamang sa sarili ay walang saysay at silbi.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Alin sa mga nabanggit sa itaas ang tingin mo’y makadudulot ng kabutihan sa mga tao sa paligid mo?
- Handa ka bang harapin ang anumang pagbabago?
=====================================================
CHINKEE TAN UPDATE:
BOOKS
IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off +2 FREE P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“MAGAKNO DAPAT ANG KITA BAGO MAG-IPON”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2qu57vD
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.