Oh, bakit parang buwisit na naman yata tayo, friend?
Lahat ng makasalubong, sinusungitan natin.
Kulang na lang, magtakip ng mukha para
wala ng kumausap.
Kaunting “Uy hello” lang sa atin,
matraffic lang o masagi ng kaunti,
parang nandu’n na tayo sa point na
gusto natin manakit sa sobrang irita.
Yun bang parang sasabog na sa inis.
Kanina okay naman tayo ah?
Ngayon, hindi na natin trip makipag-usap
o makihalubilo sa tao na parang tamad na tamad ba.
Tapos masyadong sensitive.
Mood swings ang tawag diyan.
Lahat naman ata tayo dumadaan dito.
At kapag hindi na control ng maigi,
it can really affect us and the people around us.
Kahit yung trabaho o pag-aaral natin,
matatamaan kapag umaatake ito.
Mahirap yung ganito.
Kasi baka mamaya makasakit tayo ng iba
at yung drive natin to do our tasks for the day
ay mapabayaan.
So ano ang kailangan natin gawin
whenever we feel na may kakaiba na sa ating kinikilos?
KNOW YOUR TRIGGERS mood
(Photo from this Link)
Ano ba yung mga nakapagpapainit ng ulo mo?
Saang mga bagay ka naiinis? O kaya
tuwing kailan nagbabago ang iyong mood?
Kapag inaasar ka ba?
Naghihintay ng matagal? (Guilty ako dito. Haha)
Hindi naco-compliment yung na-accomplish mo?
Traffic? Puyat? May magugulo kausap?
Madami ‘yan.
Para next time, aware na tayo,
we can try our best na iwasan ito or
at least divert our attention para
hindi na matuloy yung init ng ulo
o mabawasan man lang.
MATULOG AT MAGPAHINGA NG MAAGA mood
(Photo from this Link)
Pansinin n’yo, kapag puyat tayo,
mainit ang ulo natin ‘di ba?
Ayaw natin kumain, naiinis tayo kapag
masikip sa LRT o jeep, ang bigat ng paa
natin papasok ng opisina, at lahat gusto awayin.
Bakit?
Kasi kapag kulang sa tulog,
we feel tired and burnt out.
Kung baga sa kotse, hindi tayo narecharge,
kaya pumupugak-pugak ang andar.
Sleep is the KEY!
Don’t deprive yourself on this
para kinabukasan, maaliwalas ang isipan, at
magaan ang kalooban. Hindi highblood.
KUMAIN NG MAAYOS mood
(Photo from this Link)
Huwag makuntento sa pabiskwit biskwit lang,
o yung mga pagkain na hindi naman nakabubusog.
Kung ganito ito kagaan sa tiyan, ganon lang
din ang mailalaman nito sa ating isip.
Parang ‘hangin’, ika nga.
Hindi tayo pwedeng pabebe lang kung kumain
dahil kailangan natin ng energy during the day.
Iyan ang gagamitin natin to work properly.
Mahirap pa naman kapag tayo ay nagugutom.
Mas lalo tayong ‘nagpapalit ng anyo’.
Sabi nga: “Biruin mo na ang bagong gising,
huwag lang yung taong gutom.”
This is true.
Maikli na kasi ang pisi natin.
Kaya ugaliing kumain ng maayos
at masustansya para hindi na uminit ang ulo
at humaba pa ang pasensya.
“Ang mood swings ay dapat labanan at gawan ng paraan
para hindi makasakit ng kapwa at hindi masira ang araw.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Bakit ka laging may mood swings?
- Paano mo ito iiwasan?
- Willing ka ba gawan ng paraan at ikorek ang dapat para hindi na mangyari uli ito?
=====================================================
IPON KIT
Click here now: chinkeetan.com/iponkit
1 Ipon kit 450 +100sf
1 Ipon Can + 1 Ipon Diary + 1 Diary of a Pulubi
Or
4pcs Ipon Can + 4pcs My Ipon Diary + 4pcs Diary of a Pulubi
P1,200 FREE SHIPPING!
Click here now: chinkeetan.com/iponkit
IPON DIARY:
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“BUSINESS TIPS: Growing your Facebook Followers Organically”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2KttlST
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 10 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.