Meron ka bang kilalang RATATouille?
“Huh? ‘Di ba Disney cartoon yun?”
‘Ratatouille as in yung daga?”
RATATouille as in “Ratatatatat” ang linya…
Common ‘to, iba nga lang ang breed.
Laging nakasigaw, laging galit,
ratrat ng ratrat na akala mo laging may kaaway?
Hindi pa tayo tapos mag explain,
sasalubungin na tayo ng mala armalite na boses?
Gusto man natin ipagtanggol ang sarili
kaso nauunahan na tayo ng sigaw?
“!@#$%^!!! Sinasabi ko sa ‘yo ah!”
“ANO?? Bakit late ka na naman umuwi ha?”
“Wala akong pake sa sasabihin mo!”
“Manahimik ka, ako lang ang magsasalita!”
“Juan!! Nasaan na yung pipirmahan ko?? ANG BAGAL!”
Ay sus, talaga namang nakaka stress.
Karaniwan ito sa mga mag-asawa o partner,
minsan may mga boss din na ganito.
Paano naman tayo makakapag communicate
ng maayos kung umpisa pa lang
nawawalan na tayo ng gana?
Magsasalita pa lang kasi tayo, wala —
talo na kagad tayo sa diskusyon.
This is the most immature way to talk with people.
May atraso man o wala, nothing can be solved
at hindi tayo magkakaintindihan
kung sasalubungin natin sila ng ganito.
When there is an issue to be discussed
at before tayo magsisisigaw…
LEARN TO LISTEN little
(Photo from this Link)
Hindi lang tayo ang involved,
It’s between you and your spouse,
you and your employee, or you and your friend.
Hindi pwede yung sinasabi
lang natin ang pinakikinggan dahil
hindi lahat ng sinasabi natin ay tama.
Hindi porket nakikinig lang tayo
ibig sabihin tama sila, ibig sabihin lang
hindi tayo makasarili kasi we allow
others to explain their side.
GIVE THEM A CHANCE TO TALK little
(Photo from this Link)
Palagi nating iisipin na paano kung
may dahilan sa likod ng nagawa nila?
We should give respect to what they will say
if we want to be respected as well.
Oo, andun na ako, maaaring
kasing linaw ng tubig na may kasalanan sila,
pero have you heard of “Give him the benefit of the doubt”?
Kung tayo man ang nasa sitwasyon nila
nanaisin din natin na mapakinggan.
When two people are on the same page,
meaning eye to eye tayo at magkalevel,
we will understand more what is happening.
“Ah kaya pala siya late kasi may aksidente sa kalsada.”
“Kaya pala bumagsak anak ko kasi binubully ng kaklase.”
“Company outing pala yung pinuntahan nila.”
PRAY THAT IT WILL BE RESOLVED little
(Photo from this Link)
After the long discussion and misunderstanding
of course we want it to end well—
Yung may kinabagkasan na solusyon
at hindi yung basta lang napagod tayo makipag-usap.
There’s no other way but to pray.
Pray tayo for forgiveness para mas
maging bukas ang puso’t isipan natin
na pakinggan ang kanilang sinasabi.
Pray tayo na mag arrive sa tamang solusyon
para hindi na maulit sa susunod at hindi
maapektuhan ang relasyon.
At pray tayo na sana
maalis na natin ang ganitong ugali
para hindi tayo nakasasakit ng kapwa.
“Ang pagsigaw ay walang maidudulot na maganda.
Maging malumanay lang at matutong makinig para mas maging maganda ang takbo ng usapan.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ikaw ba ay isang Ratat-ouille? O may kilala ka bang ganito?
- Paano mo ito pipigilan para hindi ka makasakit?
- Willing ka bang makinig sa sinasabi niya?
=====================================================
IPON KIT
Click here now: chinkeetan.com/iponkit
1 Ipon kit 450 +100sf
1 Ipon Can + 1 Ipon Diary + 1 Diary of a Pulubi
Or
4pcs Ipon Can + 4pcs My Ipon Diary + 4pcs Diary of a Pulubi
P1,200 FREE SHIPPING!
Click here now: chinkeetan.com/iponkit
IPON DIARY:
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“NETWORKING: Qualifying your Prospects”
Click here to watch➡➡➡ https://youtu.be/sQ7jrvpfmi4
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 11 Books FREE + 1 Ipon Can
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2DB80TO
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.