Bakit kaya…
Tayo nabubuhay sa mundo?
Gustung gusto nating matanggap ng tao?
Mahalaga ang ating mga kaibigan?
Kapag kasama natin sila, parang ang saya saya.
Parang ayaw na nating matapos ang araw.
Naranasan n’yo na ba ito?
Yung #clingy kapag kasama natin sila dahil ito yung time na
gusto natin magkwentuhan, makipagtawanan,
at tumambay lang.
Minsan sa kahahanap natin
ng mga taong tatanggap sa atin, we try to be someone else.
Yung simpleng paggamit ng ibang personalidad
sa sariling social media account,
pagtatakip ng tunay na nararamdaman towards sa tao.
At madalas pa nito ay ang pagsasabi
ng mga magagandang salita,
pero ang totoo ay inis na inis na sa iba.
Pagbabalat-kayo, ’yan ang tawag
sa pilit na pagtago ng totoong pagkatao.
Pero bakit?
Bakit kailangan nating itago ang totoong tayo?
FEELING INCOMPLETE & UNWORTHY pagbabalat-kayo
(Photo from this Link)
Naramdaman n’yo na ba ito?
Even for once, nasabi n’yo ba sa sarili na…
“I am unworthy…”
“Parang laging may kulang…”
“Hindi naman ako mahalaga, eh…”
Kaya imbis na mamuhay sa ‘totoong tayo’,
ayun! We tried to imitate others as much as we can.
“Marami kasing nagmamahal sa kanya…”
“Subukan ko rin kayang gayahin ang pakikitungo niya…”
Naisip n’yo na ba ang pwedeng mangyari
kung patuloy tayong mamumuhay sa pagbabalat-kayo?
WE ARE TRAPPED TO A PERSON WE ARE NOT CREATED TO BE
(Photo from this Link)
Ito na siguro ang pinakamasaklap sa lahat.
Yung “you can’t be who and what you are destined to be”.
Dahil lang sa mas acceptable ang personalidad
o pagkatao ng iba kaysa sa atin,
hinayaan na lang nating kainin tayo
ng insecurities, low self-esteem,
at kung anu-anong paninira sa sarili.
Kaya huwag magtaka kung bakit tayo ay malungkot.
Kapatid, may magagawa pa tayo.
LABANAN ANG PAGBABALAT-KAYO
(Photo from this Link)
Ang pagbabalat-kayo ay madalas nagsisimula sa isip.
Katulad lang din ng ibang mga imahinasyon
o mga self-pity and other not self-helping thoughts.
May kasabihan nga tayo,
“what your mind perceives your body can achieve.”
Fame, friends, money…
These things do not define who we are.
Ang mahalaga ay alam nating…
“Hindi tayo ipinanganak sa mundo para i-please ang ibang tao.
Kaya mabuhay tayo nang totoo at walang halong pagbabalat-kayo.”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker.
THINK. REFLECT. APPLY.
- Madalas ka bang nagtatago sa pagkatao ng iba?
- Feeling incomplete, unworthy and not important?
Remind yourself today:
“HINDI AKO IPINANGANAK SA MUNDO PARA I-PLEASE ANG IBANG TAO.
MABUBUHAY AKO NANG TOTOO.”
====================================================
WHAT’S NEW?
DIGITAL MONEYKIT @P2,499
For more details, click here: http://bit.ly/2K6QLZZ
UPCOMING SEMINAR:
“RETIRE BEFORE THE AGE OF 50: An FB Live Seminar” @P599 (Discounted rate)
To reserve your slots, go to http://bit.ly/2v5Pg8U
=====================================================
NEW VIDEO
“HOW TO RETIRE AT 50”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2KT60G4
=====================================================
CHINKEE TAN SHOP
Ipon Diary: chinkeetan.com/ipon
Diary of a Pulubi: chinkeetan.com/pulubi
Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit
Moneykit with 11 books FREE: chinkeetan.com/moneykit
Other products: chinkshop.com
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.