Minsan ka na bang nilapitan ng isang kaibigan
at hiningian ng payo?
Naranasan mo na bang maging feeling
“super hero” kasi tayo yung nilapitan
nung sila ay may problema at nalilito?
Pero ang catch, pagkatapos natin
maglaan ng oras at dumakdak ng dumakdak,
and gave out our best para mabigyan sila
ng magandang advice, eh ‘di pa rin nila sinunod?
“Friend, lagi akong sinasaktan ng bf ko”
“Ayoko na malulong sa sugal”
“Tulungan mo ako, mali na ‘tong ginagawa ko”
Ilang beses na sila napapahamak,
umiiyak, at sumasama ang loob kaya
natin sila tinulungan, pero sadyang
matigas ang kanilang ulo and
ayaw pa rin nila tayo pakinggan.
Malaman laman nalang natin,
they’re doing it AGAIN na parang hindi
na nagtatanda.
Nakakainis minsan noh?
Hihingi hingi ng payo
tapos babalewalain lang tayo.
Ano nga ba ang pwede natin gawin
sa isang taong matigas ang ulo?
THEY HAVE NO OBLIGATION TO FOLLOW US PAKINGGAN
(Photo from this Link)
Yes I get it, lumapit sila sa atin for advice
pero hindi rin naman nila obligasyon na sundin ito.
Kung sundin nila, good.
Kung hindi naman, wala tayong magagawa
kundi tanggapin ang kanilang desisyon.
Ang tao kasi minsan, kapag buo na ang desisyon,
kahit ano pang sabihin natin sa kanila
lalabas at lalabas lang din ito sa tenga nila.
“Eh bakit pa sila humingi ng payo?”
“Nge eh di wala rin?”
“Sayang lang pala laway ko”
We did it dahil we want to be a friend
and not a dictator. As long as we think we did
our best to be a good friend, then okay na yun.
No hard feelings.
ALLOW THEM TO LEARN ON THEIR OWN PAKINGGAN
(Photo from this Link)
Alam n’yo yung kasabihang “nasa huli ang pagsisisi”?
Wala namang nakakarealize habang
ginagawa pa lang ang mali, ‘di ba?
Minsan they need to learn the hard way
para matuto at madala.
“Ay oo nga noh, sana noon ko pa nakita yun”
“Salamat ah, nakinig na lang pala dapat ako”
“Yun pala ibig mo sabihin”
Hayaan muna natin sila.
Huwag lang natin silang kalimutang
sabihan ng sabihan at pangaralan.
Since tayo ang mas nakakaalam
kung ano ang tama at mali.
At ang pinaka importante…
PRAY FOR THEM PAKINGGAN
(Photo from this Link)
For some reason, hindi pa nila
nakikita yung tama.
Maaaring naiimpluwensyahan,
o nabubulagan pa kaya the more
that we need to pray for them.
Na sana maging instrumento tayo
para maitama kung ano man yung
ginagawa nilang mali sa kasalukuyan.
o kung hindi man tayo, may ibang
tao sana na gagabay sa kanila.
Siyempre, ayaw naman natin sila
mapahamak o malagay sa peligro.
Praying for them will help them realize
what’s right and wrong at the right time.
“Kapag may kakilalang gumagawa ng mali, pagsabihan at maging tunay na kaibigan.
Pero ang pinaka mahalaga ay ipagdasal sila para hindi na maimpluwensyahan pa ng hindi tama.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- May kakilala ka bang mas pinipiling gawin ang mali kaysa sa tama?
- Paano mo sila tinutulungan?
- Pinagsasabihan mo ba sila at pinagdarasal?
====================================================
WHAT’S NEW?
DIGITAL MONEYKIT @P2,499
For more details, click here: http://bit.ly/2K6QLZZ
DIGITAL IPON KIT @P299
For more details, click here: http://bit.ly/2MHBzYG
UPCOMING SEMINAR:
“JUAN NEGOSYANTE: Negosyo Now, Asenso Later!” P399- Early Bird Rate
To reserve your slots, go to http://bit.ly/2v5Pg8U
=====================================================
NEW VIDEO
“INVESTMENT TIPS: 3 QUESTIONS TO ASK BEFORE INVESTING”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2LchUv6
=====================================================
CHINKEE TAN SHOP
Ipon Diary: chinkeetan.com/ipon
Diary of a Pulubi: chinkeetan.com/pulubi
Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit
Moneykit with 11 books FREE: chinkeetan.com/moneykit
Other products: chinkshop.com
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.