Mahilig ka ba manisi?
Yun bang, sa lahat ng nangyayari
sa buhay mo ngayon, iba ang may kasalanan?
Yung mga hindi magagandang
napapagdaanan, feeling natin
dahil ito sa iba at wala tayong kinalaman?
Malinis?
Walang bahid ng kasalanan?
“Mahirap lang MAGULANG ko kaya namana ko rin ang hirap”
“Laki kasi ako sa BROKEN FAMILY kaya nag bisyo ako ngayon”
“Hindi ako nakatapos kaya ITO LANG AKO ngayon”
“Hindi ako tumatagal ngayon sa relasyon dahil naloko na ako NOON”
“Ayoko na mag business, IISAHAN LANG uli ako tulad ng ginawa NIYA sa akin”
I get it.
May negative impact ang kanilang nagawa
kaya heto tayo ngayon, nahaharap
sa hindi magagandang pangyayari.
May mga maling choices din tayong nagawa
dala ng galit, frustration, o depression
sa isang tao o bagay in the past.
Pero ang tanong, HANGGANG KAILAN?
Hanggang kailan tayo maninisi o gagawa ng excuse?
Hanggang kailan natin gagawing ESCAPE PLAN
ang nakaraan para makagawa ng kamalian at manatiling stagnant?
You know, we can’t keep doing this forever dahil…
WE ALWAYS HAVE A CHOICE MANINISI
(Photo from this Link)
Kung hindi nakatapos, pwede naman mag-enroll
para makuha ang inaasam na diploma
lalo na kung kaya naman ng budget o kaya
pagtrabahuhan ang tuition fee.
Kung laki sa hirap noon, magsumikap at
magkaroon ng panibagong pag-asa para
guminhawa ang buhay at hindi na
maranasan ang dating hirap.
Kung galing sa broken family, gamitin ito
para magpursige na maging isang mabuting
ama o ina someday sa sarili nating pamilya at
hindi para sumandal sa bisyo.
Kung naloko ng business partner,
mag-ipon uli at magsimula ng paunti unti.
Next time, mas magiging maingat na tayo.
It’s all about choices.
It’s either we choose to blame and DO NOTHING or
GUMAWA NG PARAAN para makabangon
at maiba ang takbo ng buhay.
Initial reaction natin siyempre, manisi lalo
na kung masyado tayong naapektuhan.
Pero dapat may hangganan din ito
kasi if we choose to blame other people…
WE WILL NEVER REACH ANYTHING maninisi
(Photo from this Link)
Sabi ko nga kanina,
hanggang kailan tayo magiging stagnant?
Iyan ang mangyayari sa atin kapag wala
tayong ginawa kundi tignan ang nakaraan.
Kasi lagi na lang natin inaalala kung paano tayo
naloko, nasaktan, naghirap, o napunta sa ganitong sitwasyon.
Hindi na natin naiisip kung paano naman
tayo makalalabas dito kasi preoccupied na tayo masyado.
Tandaan, hindi natin ikauunlad ang paninisi
at pagtingin sa nakaraan.
Give yourself some time to accept and heal
then push yourself to be in a better place
pagkatapos ng lahat ng nangyaring hindi maganda.
PRAY FOR HEALING & FORGIVENESS maninisi
(Photo from this Link)
Habang kasi naaalala natin sila,
ibig sabihin may kurot pa sa puso
at isipan natin.
At kapag may kurot pa,
hindi natin maiiwasang magbalik tanaw.
So pray for healing and forgiveness.
Sana mapatawad na natin yung
mga taong nakasakit sa atin at nagdala
sa atin sa ganitong sitwasyon para
mas maluwag na sa atin na
kalimutan na ang lahat at
tuluyan ng maka move forward.
“Sa buhay, may dalawa lang tayong pagpipilian:
Maninisi ng maninisi ng kapwa at nakaraan o kikilos, babangon, at gagawa ng paraan”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano yung mga pinagdadaanan mo ngayon?
- May sinisisi ka ba dito?
- Paano ka makakabangon para hindi ka na bumase sa nakaraan?
====================================================
WHAT’S NEW?
DIGITAL MONEYKIT @P2,499
For more details, click here: http://bit.ly/2K6QLZZ
DIGITAL IPON KIT @P299
For more details, click here: http://bit.ly/2MHBzYG
UPCOMING SEMINAR:
“JUAN NEGOSYANTE: Negosyo Now, Asenso Later!” P499- Early Bird Rate
To reserve your slots, go to http://bit.ly/2v5Pg8U
=====================================================
NEW VIDEO
“NETWORKING TIPS: PAANO BA MAGPALAKI NG GRUPO?”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2wl0YOy
=====================================================
CHINKEE TAN SHOP
Ipon Diary: chinkeetan.com/ipon
Diary of a Pulubi: chinkeetan.com/pulubi
Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit
Moneykit with 11 books FREE: chinkeetan.com/moneykit
Other products: chinkshop.com
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.