I will give you a few minutes from now to
look at your room, your cabinet,
drawers, or even the whole house.
.
.
.
.
.
.
.
.
What do you see?
Nasisiyahan ka ba sa nakikita mo?
Malinis at organized?
O sa sobrang daming gamit,
hindi mo na rin makita yung dapat hanapin?
Magugulat na lang tayo na:
“Uy, may ganito pala akong bag?”
“Kailan ko binili ‘to? ‘Di ko maalala”
“Nasa’n na nga ba yung blouse ko na yun?”
“Nakakainis, parang hindi na kwarto!”
“Hala! Nasira na hindi ko pa nagagamit!”
Eh papa’no naman my friend, baka naman
kasi napakarami nating gamit?
Ang daming binili, ang daming nakatambak,
tapos hindi naman tayo nag di-dispose,
ay talagang maiipon ng maiipon ‘yan.
One thing I have realized,
yung mga gamit na pinakatatago tago natin
ng pagka tagal-tagal at binibili throughout the years
para pala ‘yang pagkain na may expiration.
Na e-expire yung excitement natin, tapos hindi na
natin papansinin, hanggang sa makalimutan na natin.
Why is it important to be a minimalist nowadays?
FREES US FROM STRESS minimalist
(Photo from this Link)
Hindi ba’t masarap umuwi at magpahinga
sa bahay na walang nakaka stress?
Walang kalat? Maaliwalas at parang ang
sarap sarap magpahinga?
I am sure karamihan sa atin
nawawala sa mood kapag nakita
nating nakatambak na lahat ang gamit.
Why? Kasi wala na tayong kontrol.
Hinayaan nating dumami ng dumami
kaya ang sumasalubong sa atin
kalat, alikabok, amoy amag, kulob,
lahat na! And that’s not good.
Sa sobrang dami, yung mga hinahanap natin
inaabot tayo ng ilang oras o araw bago makita
kasi natabunan na throughout time.
Kaya para mabago ito…
THROW AWAY, SELL, OR DONATE UNIMPORTANT STUFF
(Photo from this Link)
Ask yourselves these questions:
Ginagamit pa ba?
Nakatambak na lang ba?
Hindi mo alam na meron ka pala nun?
Kasya pa ba? Kailangan pa ba?
Kung negative ang sagot natin
sa mga tanong na ito, eh baka
naman pwede na nating ipamigay ‘yan
or ibenta para naman kumita rin lalo na
kung maayos pa at mapapakinabangan.
Sabi nga, one man’s trash is another man’s treasure.
Sell it online or donate to charity.
“Eh Chinkee, may sentimental value ito eh”
“Sayang naman kung papamigay ko lang”
Yes pero mas sayang naman kung
nakatambak lang ‘di ba?
Masisira lang ‘yan. Besides, kung
may nagagamit naman na, okay na yun.
Let go of the rest.
Materyal na bagay lang ‘yan
kapalit ng peace of mind.
And when you do…
DON’T SPLURGE ANYMORE minimalist
(Photo from this Link)
Ngayong nakapag bawas na tayo,
eh ‘wag na nating gawin dahilan ito
para mamili ng mamili na naman ng panibago.
Ooops, alam ko yung balak ng iba d’yan! Haha.
Yung magbabawas kuno pero dahilan
lang pala para makapamili na naman.
Ay hindi po.
It’s a change of lifestyle na once
we decided to become a minimalist.
Mamumuhay na tayo ng mas simple
at mas organized. Hindi na tayo babalik sa dati.
“Nakakadagdag sa payapang isip kapag ang mga gamit ay kaunti.
Mamuhay ng simple at iwasan ng mamili ng mamili.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano ang nakikita mo sa iyong mga gamit ngayon?
- Sobrang daming gamit na ba na kailangan na i-dispose?
- When are you planning na magbawas na ng mga gamit?
====================================================
WHAT’S NEW?
DIGITAL MONEYKIT @P2,499
For more details, click here: http://bit.ly/2K6QLZZ
DIGITAL IPON KIT @P299
For more details, click here: http://bit.ly/2MHBzYG
UPCOMING SEMINAR:
“JUAN NEGOSYANTE: Negosyo Now, Asenso Later!” P699- Early Bird Rate
To reserve your slots, go to http://bit.ly/2v5Pg8U
=====================================================
NEW VIDEO
“HOW TO COMPUTE YOUR RETIREMENT FUND”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2Mctve6
=====================================================
CHINKEE TAN SHOP
Ipon Diary: chinkeetan.com/ipon
Diary of a Pulubi: chinkeetan.com/pulubi
Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit
Moneykit with 11 books FREE: chinkeetan.com/moneykit
Other products: chinkshop.com
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.