Ramdam na ramdam n’yo na ba CHRISTMAS
na papalapit na ang kapaskuhan?
Malamig na hangin, kumukutikutitap na ilaw
sa mga malls, Jose Marie Chan playlist,
at kabi-kabilang sale.
Dahil hindi naman talagang makakailang
MALAPIT NA ANG PASKO!
Anong regalo mo sa sarili mo?
New bag? Sapatos? Cellphone?
Laptop? At yung iba pang bagay na
nasa ating Christmas list na matagal
nang pinag-ipunan?
Well good for you.
Pinaghirapan at pinag-ipunan
kaya makakamit mo na.
Pero sa likod ng mga ito
naisip n’yo na ba na bigyan ang
sarili natin ng MAS magandang regalo?
“Maganda naman yun ah?”
“Paanong MAS maganda?”
Mas magandang regalo meaning
yung matagal na dapat nating ibinigay
sa sarili natin pero lagi tayong atrasado.
Yung regalo na magbibigay sa atin
ng katahimikan at tunay na kasiyahan
na higit pa sa mga materyal na bagay.
Ano ito?
REGALO NG KAPATAWARAN CHRISTMAS
Photo from this link
May mga tao bang nakasakit sa atin noon?
Yung…
- EX natin na pinaiyak lang tayo at nanloko?
- Boss na pinahiya tayo noon?
- Kaibigan na nagtaksil sa atin?
I am so sorry about that.
I believe lahat ata tayo ay nakaranas
na ng ganito at hindi rin naman natin
maiiwasan ang magdamdam.
Pero gaya nga ng sabi ko, magpapasko na.
Sana maibigay na natin yung kapatawaran
sa sitwasyon na ito. Gagawin natin ito
hindi dahil guilty tayo kundi gagawin natin ito
para magkaroon na ng peace of mind at
lumuwag na ang kalooban.
Magpatawad na at mag move on.
Tapos na yun. Time na para maghilom.
REGALO NA MAALAGAAN NAMAN ANG SARILI CHRISTMAS
Photo from this link
Ilang meals na ba ang na-skip natin?
Yung plano nating check up 6 months ago,
bakit hindi pa rin natin nagagawa?
Bumili nga tayo ng mga libro para
makapag ‘me time’, pero bakit
naalikabukan at naluma na?
‘Di ba gusto natin mag pa parlor?
Oh, bakit na delay na?
Kadalasan sa sobrang busy natin
yung mga ‘self care’ ay kinakalimutan na natin.
Gustong gusto man natin gawin
kaso we feel na kulang ang oras or
sayang lang kapag siningit pa natin ito.
No my friends.
Nagtatrabaho tayo para
guminhawa ang buhay at mabigyan
ng reward ang sarili from time to time
at hindi para magpakaalipin.
Thinking about ourselves will allow us
to recharge and appreciate ourselves more
what we are doing kaya hindi ito
basta pagtatapon lang ng pera at oras.
Love yourself than your job.
Kapag masaya at alaga ang sarili,
mas gaganahan tayo magtrabaho.
REGALONG ORAS PARA SA PAMILYA CHRISTMAS
Photo from this link
Pag gising ng alas kwatro, tulog pa sila.
Pag dating ng alas diyes, tulog na sila.
Wala tayong mabigay na oras sa kanila
kasi lahat nagagamit sa ating mga trabaho.
I understand na we need to do this
to give our family a good and comfortable life,
Pero isipin din natin na kapag lumipas
ang panahon na sila’y nagsilakihan na
at nalagpasan natin yung mga espesyal
na milestone nila, hindi na natin ito maibabalik.
Kapag oras ng trabaho, oras ng trabaho.
Pero kapag oras ng pamilya,
bitaw lahat at ibigay natin ang ating
buong atensyon that they deserve.
“Walang masama na bumili ng materyal na bagay ngayong Pasko
pero ang makapagpatawad at mabigyan ng oras ang sarili at
pamilya na ating ipinagwalang bahala ang pinakamahalagang regalo sa lahat.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano ang wish mo ngayong pasko?
- Materyal na bagay ba o katahimikan ng puso at oras sa pamilya?
- Paano mo ito sisimulan?
====================================================
WHAT’S NEW?
MY BADYET DIARY (NEW BOOK) for 150+100 sf
Also available in BULK ORDERS
To order, go to http://bit.ly/2NUkSqi
CHINKTV (ONLINE COURSE) for P799
How to Retire at 50
Juan Negosyante: Negosyo Now, Asenso Later
Chinoypreneurs
To register, go to http://bit.ly/2PCd7Xi
ONE YEAR Access!
=====================================================
NEW VIDEO
“Chinkee Tan Wave 10: Tips in Real Estate Business”
Click here to watch➡➡➡http://bit.ly/2CIB7Ee
=====================================================
CHINKEE TAN SHOP
Ipon Diary: chinkeetan.com/ipon
Diary of a Pulubi: chinkeetan.com/pulubi
Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit
Moneykit with 11 books FREE: chinkeetan.com/moneykit
Other products: chinkshop.com
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.