Christmas
Kamusta na ang inyong Christmas preparations?
Nagsimula na bang mamili ng mga panregalo?
Naiplano na ang mga ihahain tulad ng lechon,
fruit salad, hamon, quezo de bola, at spaghetti?
Uy okay yan!
Pero matanong kita, ito nga ba ang
mga pinakamahalagang bagay ngayong pasko?
“Oo, pwede kasi for family naman”
“Siyempre, picture picture para sa Facebook”
Hmm, medyo mababaw naman kung
gagawin lang natin ang lahat ng ito
para may maipakita sa tao.
Dapat ngayong pasko, ang objective natin
ay magkaro’n ng pagbabago sa sarili.
Ano ang ibig ko sabihin?
May pa exchange gift nga tayo,
may galit naman tayo sa ating mga
puso.
Kasama nga natin ang ating pamilya,
kung mag-usap naman, may murahan
at pambabastos sa magulang.
Sarap nga ng ating hinain,
ginugutom naman natin
sila sa pagmamahal at aruga.
Christmas is not all about what
CAN BE SEEN on social media.
It’s the intentions of our hearts.
Paano natin ito magagampanan?
I got this idea sa preaching
last Sunday sa Victory.
INSTEAD OF BUYING PRESENTS, BE PRESENT Christmas
(Photo from this link)
Wala naman masama magbigay o
bumili ng regalo sa ating loved ones.
pero baka pwedeng ang tutukan natin
ay yung being PRESENT.
Present in the sense na,
kapag oras ng pamilya, oras ng pamilya.
Baka kasi mamaya, magkakasama lang tayo
physically, PERO lahat naman tayo
nakatungo sa ating mga gadgets.
Bitawan muna yan.
Play games with them.
Mag dance number.
Talk to them one by one.
Let them know you are there
and that they are important.
INSTEAD OF WRAPPING GIFTS, WRAP HUGS christmas
(Photo from this link)
Effort din ang pagbabalot ng regalo.
Pero mas maganda kung ang
maibibigay natin sa kanila ay
ang ating mahihigpit at maiinit na yakap.
Yung yakap na namiss na nila kasi
lagi tayong busy sa trabaho at eskwelahan.
Yung yakap na hindi natin binibigay sa kanila
dahil feeling natin nakakahiya.
This is the time to show how
much we love them.
They will cherish this forever.
INSTEAD OF SENDING GIFTS, SEND PEACE christm
(Photo from this link)
Ang sarap makisali sa mga exchange gifts ‘di ba?
Eh paano kung natapat tayo sa
mga taong kinaiinisan natin?
O yung taong nasaktan tayo noon?
Bibigyan pa rin ba natin?
Sana naman. Pasko naman eh.
Pero more than the gift,
forgiveness and making peace with them
are the best gifts that we can give and receive.
Tama na yang alitan na yan.
Mas masarap mamuhay at simulan ang taon
na walang bigat at sama ng loob sa puso.
INSTEAD OF SHOPPING FOR FOOD, DONATE FOOD Christmas
(Photo from this link)
Kapag naghahanda tayo
‘di ba ang dami dami nating niluluto?
Pero ang totoo, hindi naman talaga natin
nauubos yan.
Kaya kadalasan, naiiwan pa sa ref
at iinit initin ng isang buong linggo!
Baka pwede naman na natin ipamigay.
Tayo, laging may chance na makakain
ng maayos at masarap anytime we like.
Pero yung mga nangangailangan,
minsan lang sa buong buhay nila.
Let’s not deprive them.
Kahit ano lang na makakayanan natin
share natin sa kanila.
INSTEAD OF SEEING THE LIGHTS, BE THE LIGHT Christmas
(Photo from this link)
Ganda ng mga pailaw.
Sarap sa mata.
Ang tanong, tayo ba ay mismo ay
nagiging ilaw sa mga tao sa paligid natin?
“Paanong ilaw Chinkee?”
Gumagawa ba tayo ng paraan para
maging gabay sa ibang tao?
Nililihis ba natin sila o
itinuturo natin kung ano ang tama?
Kunsintidor ba tayo o
ipapaintindi na mali ang kanilang ginagawa?
Yan ang ilaw.
Hindi natin hahayaang mapahamak
ang mahal natin sa buhay.
Nandito tayo para turuan sila
lalo na yung mga naliligaw ng landas.
Nandito tayo para ipagdasal sila
para mabago ang kanilang mga puso.
“Ang Pasko ay hindi para makipag patalbugan sa social media
at magparamihan ng pagkain sa handaan.
Ang tunay na diwa ng Pasko ay nakabase sa kung anong nilalaman ng ating puso.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Para sa ‘yo, ano ang PASKO?
- Ano ang intensyon ng iyong puso?
- Pansarili lang ba o para din sa iba?
====================================================
WHAT’S NEW?
DIARY SERIES Buy 1 Take 1
450 + 100 shipping fee (for limited time only)
To order, go to http://bit.ly/2Qot2vvBAGONG TAON, BAGONG BUHAY Buy 1 Take 1
399 (Early Bird Rate, for limited time only)
To register, go to http://bit.ly/2P8kmEMMY BADYET DIARY (NEW BOOK) for 150+100 sf
Also available in BULK ORDERS
To order, go to http://bit.ly/2NUkSqiCHINKTV (ONLINE COURSE) for P799
How to Retire at 50
Juan Negosyante: Negosyo Now, Asenso Later
Secrets of Chinoypreneurs
To register, go to http://bit.ly/2PCd7XiONE YEAR Access!
=====================================================
NEW VIDEO
“Where we can earn the most: Stock vs. Real Estate?”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2Q0hKOF=====================================================
CHINKEE TAN SHOP
Ipon Diary: chinkeetan.com/ipon
Diary of a Pulubi: chinkeetan.com/pulubi
Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit
Moneykit with 11 books FREE: chinkeetan.com/moneykit
Other products: chinkshop.com
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.