May libro akong nabasa dati.
Sabi doon, “Humans are slow learners
and hardheaded by nature.”
Nung una, in denial pa ako. Hirap ipaamin, eh!
“Bakit nga ba naman ako aamin
sa bagay na alam kong hindi naman ako ganu’n?”
Ito yung tinanong ko sa sarili.
But later I realized it was pride
that kept me from humbling myself.
To become aware sa kung ano
ang kondisyon ng puso ko.
Until such things happened in my life
na nagpa-realize sa akin how hardheaded I was
and how my heart was a stone than a flesh.
Hindi rin naman ito nalalayo sa usapang pera.
Kasama na rin ang major problem ng karamihan…
Utang, pangungutang, pagpapautang,
o kung ano pa ang tawag ng iba d’yan.
GAANO KADALAS ANG MINSAN?
(Photo from this link)
Gaano tayo kadalas mangutang sa friends,
classmates, officemates, o sa kamag-anak?
Umabot na ba sa puntong kung wala nang baon,
sa kanila na lang tayo agad dumidiretso?
Hindi man lang tayo mag-exert ng effort para kumita
o kaya naman ay magsariling sikap?
Sabi nila, kung ang isang bagay ay nakasanayan
na nating gawin sa loob ng 21 days,
ito ay nagiging habit na.
Kung ang pangungutang ay every other week,
every weekend, or worst is everyday…
Aba! Naitanim na natin ito sa sariling sistema.
At naku! Mahirap na yang baliin,
lalo na kung taon na ang nakagawian.
HINDI TUNAY NA NAKAYAYAMAN ANG MADALAS NA PANGUNGUTANG
(Photo from this link)
Akala ba natin just because we are favored
na pautangin ay exempted na rin tayo sa bayarin at interes?
Halimbawa, ang iba sa atin ay nagtatrabaho na.
Pero bago pa dumating ang sweldo,
nangutang na muna para pang-shopping.
Kaya hayun, hindi napigilan ang sarili.
Above net income na ang totality ng expenses.
Kaya’t imbis na sa ipon napupunta ang sinasahod,
naipambabayad na lang ito sa utang.
Sana ay huwag tayong makalimot na…
HUWAG MASANAY NA MAY TAO TAYONG NAUUTANGAN
(Photo from this link)
Kasi hindi ito healthy financially!
Hindi naman masama na humingi
ng tulong paminsan-minsan sa kanila.
Huwag lang nating abusuhin ang kabaitan nila
pati na rin ang pabor na ipinagkaloob sa atin
para lamang ma-satisfy ang ating mga hilig.
We are God’s stewards of His wealth.
Dapat ay gamitin natin ito wisely at sa tama.
“May mga tao talagang ginagawang Hobby ang Pangungutang.Tandaan na masamang makasanayan ‘yan!”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker.
THINK. REFLECT. APPLY.
- Madalas ka bang mangutang?
- Ano ang nag-uudyok sa ‘yo para mangutang?
- May mga utang ka bang hindi pa nababayaran, tapos mangungutang ulit?
=====================================================
WHAT’S NEW?
BAGONG TAON, BAGONG BUHAY
January 5, 2019 . Saturday
9 PM to 12 Midnight
via Private FB Group Live
(Manila Time)
To register, go to http://bit.ly/2P8kmEMMY BADYET DIARY (NEW BOOK) for 150+100 sf
Also available in BULK ORDERS
To order, go to http://bit.ly/2NUkSqiCHINKTV (ONLINE COURSE) for P799
How to Retire at 50
Juan Negosyante: Negosyo Now, Asenso Later
Secrets of Chinoypreneurs
Be A Virtual Professional
Benta Benta Pag May Time
Happy Wife Happy LifeTo register, go to http://bit.ly/2PCd7Xi
ONE YEAR Access!
=====================================================
NEW VIDEO
=====================================================
CHINKEE TAN SHOP
Ipon Diary: chinkeetan.com/ipon
Diary of a Pulubi: chinkeetan.com/pulubi
Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit
Moneykit with 11 books FREE: chinkeetan.com/moneykit
Other products: chinkshop.com
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.