Sa ating mga tahanan, nakalakihan na nating makita
si Nanay na naglalaba, nagluluto, namamalantsa
at umaalalay sa ating pag-aaral.
Habang si Tatay naman ang dakilang taga-sibak ng kahoy,
taga-ayos ng sirang gamit sa bahay,
ang nagtatrabaho nang husto
para lang may panggastos sa araw-araw.
Tapos may mga pagkakataon na kung tayo
ay uutusan sa gawaing bahay, tayo pa ang may sumpong.
Para bang nagbibilang kung naka-ilang plato na ang nahugasan.
Hindi ba natin naisip na sila rin ay napapagod?
Kung sa tingin natin ay madali lang ang ginagawa nila,
ibig bang sabihin nito ay hindi na tayo tutulong sa kanila?
TAYO AY MAGKAROON NG KUSANG TUMULONG nagtutulungan
(Photo from this link)
Though our parents seem strong and happy
on what they do specifically ang mothers in the house,
hindi naman ibig sabihin na hindi na nila kailangan ang tulong ng mga anak.
Katulad din natin sila, nagkakasakit.
Baka lang may nararamdaman na sila
pero hindi lang nila pinapahalata.
Ganito kasi nila tayo kamahal.
Kahit na mag-offer pa sila ng paglalaba ng damit natin,
why not we do it the other way around?
Tayo ang mag-offer sa kanila ng tulong.
Lalo na kung holiday at weekend na nasa bahay tayo.
“Ma, ako na po maglalaba ng damit natin.”
“Pa, ako na lang po ang magsisibak ng kahoy.”
“Nay, magpahinga po muna kayo. Ako naman ang magluluto.”
Sigurado ako na ang ngiti nila ay abot hanggang tenga.
Hindi lang sa mukha pero tagos pati sa puso.
IWASANG MAGBILANG NG MGA GAWAING NATAPOS NA nagtutulungan
(Photo from this link)
Kung sa tuwing gagawa tayo ng kabutihan sa ating kapwa,
tapos ay isusumbat natin sa kanila after everything.
Hindi ba’t parang nakakainsulto tayo sa kanila?
Ganito rin kung magbibilang tayo ng gawaing bahay,
lalo na sa ating mga magulang.
May mga magulang na nagtatrabaho more than 8 hours a day,
pagkatapos ay magliligpit, mag-aayos at magluluto pag-uwi.
Come to think of it, kung bibilangin nila
yung mga ginagawa nila sa atin at isusumbat,
we won’t be growing healthy sa maayos na tahanan.
TUMULONG NANG BUKAL SA KALOOBAN nagtutulungan
(Photo from this link)
Higit sa lahat, this must be our attitude.
Yung walang hinihinging kapalit sa bawat tulong na ginagawa.
Kailan natin huling nakitang ngumiti ang ating mga magulang
dahil sa simpleng pagtulong natin sa household chores?
Hindi ba’t nakakagaan sa kalooban at puso?
Kung sa tingin n’yo ay masyado na tayong nabubulag
ng sariling responsibilidad sa eskwelahan, trabaho o friends,
why not take a pause at usisain ang estado ng ating tahanan?
Ang pagtulong kasi, lalo na sa ating mga magulang
ay isang paraan din ng pagpapakita
ng ating malasakit, pagmamahal at respeto sa kanila.
“Bigyan naman natin ng kaligayahan ang ating mga magulang; tulungan natin sila sa mga gawaing tahanan.”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker.
THINK. REFLECT. APPLY.
- Nagbibilang ka ba ng gawaing bahay?
- Ano ang madalas na naka-toka sa ‘yo?
- Masaya ka bang nakakatulong sa mga magulang mo dahil dito?
====================================================
WHAT’S NEW?
“ONLINE NEGOSYANTE: Paano Kumita Gamit ang Social Media”
Learn how you can earn a lot of money and be successful using Social Media
and just by being online! Ito pa, may 30-day replay pa! You can watch it anytime, anywhere.
**This is an FB LIVESTREAM ONLY Workshop.
Kahit nasaan ka pa, makakasali ka PLUS may 30 DAY ACCESS pa for only P399
(Early Bird Access— offered for a limited time only)!**
Click here to register: http://bit.ly/2C0pO8i
March 2, 2019 . Saturday
9 PM to 12 Midnight
via Private FB Group Live
(Manila Time)
CHINKTV ALL ACCESS (ONLINE COURSE)
For only P1,598 and you can already watch all my video courses for 1 year!
Yes! Unlimited Access For All Videos For One Year!!!
Be A Virtual Professional
Benta Benta Pag May Time
Juan Negosyante
Secrets of Successful Chinoypreneurs
How To Retire At 50
Happy Wife Happy Life
-
Click here to register: http://bit.ly/2PCd7Xi Offered for a LIMITED TIME ONLY!
ALL ACCESS TO ALL VIDEOS, Watch and Learn and you are on your way to be wealthy and be debt-free this 2019!
MONEY KIT 2.0
BOXSET: Click here: http://bit.ly/2RyrcZv for P3,499
All 11 books
My new book, BADYET DIARY|
Ipon Can 60k challenge
Free shipping NationwideDIGITAL: Click here: http://bit.ly/2TAzrSr for P2,499
-
Downloadable Ipon Stickers (60k challenge)
Downloadable Badyet Diary (New book)
11 Downloadable Chinkee Tan books -
=====================================================
NEW VIDEO
=====================================================
CHINKEE TAN SHOP
Ipon Diary: chinkeetan.com/ipon
Diary of a Pulubi: chinkeetan.com/pulubi
Badyet Diary: chinkeetan.com/badyet
Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit
Other products: chinkshop.com
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.