“Ganito LANG kami”
“Ayoko, mahirap LANG kami”
“Tatawanan LANG ako dun”
Minsan mo na bang kinaawaan
ang iyong sarili?
Tingin sa sarili natin ay LANG lang?
Kapag sinabi kasi natin yun,
para bang minamaliit natin ang
ating mga sarili.
Na we’re not good enough,
we’re not like the others, or
we don’t have what they have ika nga.
Naalala ko noon, nung nagbebenta pa ako ng mga
tissue, tshirt, at nagpaparenta pa ng betamax,
gustong gusto ko rin maawa sa sarili ko.
Biruin n’yo yung iba kong kalaro at kaklase,
kapag hapon, laro-laro lang, kain ng masasarap
na meryenda, o siyesta time.
Pero ako, pag tapos ng eskwela, diretso
sa pagbebenta para kumita at para
may pang baon kinabukasan.
Pero naisip ko rin,
ano bang mangyayari kung maaawa tayo
sa sarili natin?
Hindi ba’t mas lalo lang tayo panghihinaan ng loob?
Hindi ba’t mas walang mangyayari kasi
busy ang isip natin kakaisip sa kung
anong meron at wala sa atin?
Kaya sa mga panahong dumadaan
sa pagsubok, imbis na maawa sa sarili,
isipin natin na…
KAYA NATIN BAGUHIN ANG SITWASYON
(Photo from this link)
Kung madami tayong utang,
work hard sa isang matinding pag-iipon
para makabayad at makalabas na sa utang.
Kung galing sa mahirap na pamilya,
magsumikap at maging matiyaga
para umulan ng oportunidad at blessings.
Kung lulong sa bisyo noon kaya
nagulo ang buhay at pamilya,
unti-unti nating pagsisihan at baguhin
para mabalik ang dating maayos na buhay.
Tayo naman ay may laya na
baguhin ang sitwasyon.
Binigyan tayo ng laya para mamili
kung ano ang tama at mali.
Kailangan lang…
TULUNGAN NATIN ANG ATING MGA SARILI
Si Lord, nag-uumapaw ang blessings na
ibinibigay sa atin kahit hindi tayo deserving
dahil mahal na mahal Niya tayo.
Kaya naman mas lalo natin dapat
gamitin ito ng tama.
Hindi porke tayo’y pinagbibigyan
ay tayo’y mamimihasa.
Gawin natin ang lahat para
lahat ng ating ikikilos ay tama, naaayon,
at nakasunod sa Kanyang kagustuhan.
Huwag puro excuses dahil may paraan naman.
Kasi kung hindi natin tutulungan ang
ating mga sarili at lagi lang natin
sisihin, kakaawaan, eh walang mangyayari.
Stagnant na lang tayo.
HINDI NAGTATAGUMPAY ANG TAONG PURO DAHILAN
Alam kong binging bingi na kayo
sa linyang ito pero sasabihin ko uli:
“To every problem there’s always a solution.
If you’re not part of the solution,
you’re part of the problem.”
Lahat naman kasi talaga may paraan.
Tayo lang ang gumagawa ng dahilan
kaya nananatili tayo sa sitwasyon
kung nasaan tayo.
Kung ayaw natin, go, do something!
Kung pagod na sa utang, go mag-ipon!
At kung ayaw na maghirap ang buhay,
go, push for your goals at huwag hihinto!
“Kung ayaw natin sa kasalukuyang sitwasyon, may kalayaan tayong baguhin ito.
Huwag puro reklamo at dahilan, kilos kilos din habang may oras pa.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anong sitwasyon mo ngayon na kinakaawaan mo?
- May ginagawa ka ba para baguhin ito?
- O kuntento ka na lang sa pagmumukmok?
===================================================
WHAT’S NEW?
PISO PLANNER
Mag-plano, mag-budget, mag-ipon, at makawala sa utang with the new PISO PLANNER:
A Financial Planner for Every Juan! Chinkee Tan’s latest and newest product na pwede ng mapasayo for only P399+100 sf.
At ito pa, for a LIMITED time only, I will also give you MY BADYET DIARY book for FREE!
Click here now: http://bit.ly/2G96NEW
“ONLINE NEGOSYANTE: Paano Kumita Gamit ang Social Media”
Learn how you can earn a lot of money and be successful using Social Media
and just by being online! Ito pa, may 30-day replay pa! You can watch it anytime, anywhere.
**This is an FB LIVESTREAM ONLY Workshop.
Kahit nasaan ka pa, makakasali ka PLUS may 30 DAY ACCESS pa for only 599.
(Early Bird Access— offered for a limited time only)!**
Click here to register: http://bit.ly/2C0pO8i
March 2, 2019 . Saturday
9 PM to 12 Midnight
via Private FB Group Live
(Manila Time)
- =====================================================
-
MONEY KIT 2.0
BOXSET: Click here: http://bit.ly/2RyrcZv for P3,499
All 11 books
My new book, BADYET DIARY|
Ipon Can 60k challenge
Free shipping NationwideDIGITAL: Click here: http://bit.ly/2TAzrSr for P2,499
-
Downloadable Ipon Stickers (60k challenge)
Downloadable Badyet Diary (New book)
11 Downloadable Chinkee Tan books
=====================================================
DIARY SERIES AT BUY ONE TAKE ONE!Iponaryos unite! Chinkee Tan’s three most popular new releases will help you in your road to financial freedom.
Maging wealthy at debt-free! Get this bundle now for only 450+100 Sf!Click here now: http://bit.ly/2STBuB4
=====================================================
BADYETARIAN ENVELOPE SYSTEM
Maging BADYETARIAN Para YUMAMAN! Build the Habit of Sticking to Your BADYET with an Easy-to-Implement System. DON’T MISS THIS CHANCE TO BECOME A BADYETARIAN FOR ONLY P299+100 SF!
Click here now: http://bit.ly/2AZN0Ed
✓Easy to Use
✓Simple
✓Actionable
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.