Kung merong pinakamahirap na bayaran, ito ay ang utang na loob.
“Grabe ka parang ‘di kita tinulungan nung nangangailangan ka ah.”
“Kami nagpaaral sa ’yo. Tama lang na suklian mo ang mga pagod namin sa ’yo noon.”“Ito lang? Mas malaki pa ang naipundar ko sa pagtulong sa ‘yo kaysa dito!”
Maraming tao sa paligid natin na akala natin ay bukal ang pagtulong,
yun pala ay may ibang intensyon at hangarin.
Ang iba naman ay hinahayaan pa tayong lumubog nang husto.
Minsan, may darating na pagsubok sa buhay natin na hindi napaghandaan.
Kinakapos tayo sa pinansyal kaya kinakailangan nang lumapit at humingi ng tulong mula sa iba.
Ngunit, mahalagang isipin din natin kung paano natin mababayaran ito. Mahalaga ito upang hindi tayo malunod sa utang lalo na sa kahihiyan.Dahil may mga taong nananamantala ng kahinaan ng iba.
Ilan sa mga taong ito ay ang..
Tinuring na kaibigan
Super supportive nung namamayagpag ang negosyo.
Nakipag-partner pa sa business pero nung nagkaproblema na,
basta na lang mang-iiwan at manunumbat sa mga ipinundar sa negosyo.
Nasisira pati ang pagkakaibigan dahil sa maling pananaw at pamamalakad sa negosyo.
Hindi dapat ganito sa business dahil dapat nagtutulungan upang makabangon at hindi para lamang makalamang sa isa.
Sa mga humingi ng tulong sa kaibigan, whether sa business or kung saan mang emergency, mahalaga ang tiwala na maibabalik natin ang ating hiniram sa kanila.
Hindi natin ito hiningi o kinuha sa kanila, kundi hiniram lamang.
Para naman sa mga nagpahiram at tumulong, kailangan naman ay tulong din ang ibibigay natin. Hindi na natin sila kailangan maliitin.
Hindi lamang financial, isama na rin natin ang emotional support.
Hindi na natin kailangan pang bigyan ng napakalaking interest ang hiniram sa atin.
Baluktot na hangarin ng magulang
Ang mabuting magulang hindi sustento sa anak ang hangarin kapag nakapagtapos na, kundi magandang kinabukasan.
Hindi rin dapat tayo maging pabigat sa kanilang financial growth.
Kailangan din handa tayong mga magulang para sa future natin.
Kaya ba natin pinag-aral ang mga anak natin para kapag nakapagtapos,
sila naman ang bubuhay sa atin?
Wala bang utang na loob ang ating mga anak kapag hindi tayo natutulungan kapag malalaki na sila?
Ganito ba tayong mga magulang mag-isip?
Pag dating ng panahon, magkakaroon din sila ng sarili nilang buhay at pamilya. Pero paano na tayo? Paano na tayo sa pagtanda natin?
Saan tayo kukuha ng pangsustento sa mga pangangailangan natin?
‘Yan dapat ang ilan sa mga inisip natin noon at iniisip natin ngayon. Kailangan din nating paghandaan hindi lang ang edukasyon ng mga anak kundi pati na rin ang retirement natin para hindi na natin kailangan iasa pa sa kanila.
Responsibilidad nating mga magulang na mabigyan nang maayos na buhay ang ating anak.
Tayo ang naging instrumento kaya sila nabuhay sa mundong ito.
Kaya habang buhay natin silang anak ay habang buhay natin silang gagabayan.
Para naman sa mga anak, magkaroon na rin ng kusa na tumulong kung kinakailangan.
Mahalagang maging handa rin at mag-ipon din para sa future.
Upang kapag naisipan nang bumuo na rin ng sariling pamilya ay hindi na kailangan pang iasa sa magulang.
Taong minsang nakasama
Maganda na parehong may ipon ang dalawang magkasintahan;
parehong pinaghahandaan ang kinabukasan.
Pero mahalaga rin na may tiwala sa isa’t isa para sa paghawak ng pera.
Mahirap pag-awayan ang pera sa pagsasama lalo na sa pag-aasawa.
May ilan na nauuwi pa sa hiwalayan ang usaping pinansyal;
tuloy nagiging dahilan para magkasumbatan at magkasakitan.
Huwag nating hayaan ang pera na sirain tayo at ang ating pagsasama.
Hindi matutumbasan ng kahit na anong halaga ang tiwala at pagmamahal.
Kaya imbes na magbilangan ng mga bagay, matutong magbahagi at magtulungan.
“Hindi masama na tumanaw ng utang na loob sa iba;mahalaga ay may dignidad at may kusang ibalik ang tulong ng iba.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Hanggang kailan ninyo pag-aawayan ang pagkakamali ng bawat isa?
- Kailan ka nagkaroon nang kusa na tumulong sa taong nangangailangan?
- Sa paanong paraan ninyo mahahanapan ng solusyon ang usaping pinansyal sa inyong pagsasama?
====================================================
WHAT’S NEW?
IPON PA MORE KIT DIGITAL for only P899 instead of P1,098
To order, go to https://lddy.no/8wsr
IPON PA MORE KIT BOXSET for only P899 instead of P1,349
To order, go to https://chinkeetan.com/ipmkit
MASTER PROSPECTOR LIVE SEMINAR for P599 (early registration)To register, go to https://chinkeetan.com/prospector
CHINKTV ALL ACCESS (8 ONLINE COURSES)
for only P1,598 instead of P6,392
To register, go to https://lddy.no/8vbk
How to Retire Before 50
Be A Virtual Professional
Secrets of Chinoypreneur
Happy Wife Happy Life Live Seminar
Happy Wife Happy Life Online Course
Juan Negosyante: Negosyo Now, Asenso Later
ONE YEAR Access!
=====================================================
NEW VIDEO
“NEGOSYO TIPS: START YOUR OWN BUSINESS IDEA NOW!”
Click here to watch➡➡➡https://youtu.be/mphyGNqs0mU
=====================================================
CHINKEE TAN SHOP
Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkitIponaryo Planner Kit: chinkeetan.com/iponaryoplannerMoneykit with 12 books FREE: chinkeetan.com/moneykitOther products: chinkshop.com Other online courses: chinktv.com
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.