Alam kong napakadaming bagay ang nakakastress sa buhay natin. Nandyan ang stress sa work, sa byahe, sa school, tapos mayroon din minsan sa kapitbahay hanggang sa bahay!
Kaya mahalaga na alam natin on how to cope with our stressful day. Kailangan natin ito for our mental health as well. May iba’t ibang bagay naman to unwind and relax.
Isa na rito ang paglalaro ng online games.
Ok. I am not encouraging everyone to just play the whole day.
Pero tignan din natin ang magandang epekto nito. Meron nga ba?
You see, may mga bagay na dapat nasa proper moderation lang talaga. Mahalagang alam natin ang hangganan at dapat may disiplina sa sarili.
So why play online?
Reduce Stress
There are certain things in life that we really can’t control.
Pero sa mundo ng online games, may kakayahan ang bawat isa na bumuo ng sarili nilang character na mas may control tayo.
Nakagagaan ng loob kapag na-achieve din natin yung level na gusto natin.
Lalo na kapag nanalo tayo at naging maganda ang record natin.
May satisfaction level na nakaka-boost ng confidence.
Pero kailangan din nating tandaan na may oras para sa online games at may oras para sa mga taong mahalaga sa atin. Dahil mas nakatatanggal pa rin ng stress ang dulot na saya mula sa mga taong mahal natin lalo na ang ating pamilya.
Next reason could be, we can learn how to
Form Camaraderie
Marami tayong maaaring makilala mula sa online games.
Pwede rin tayong magkaroon ng mga kaibigan mula dito.
Nagkakaroon tayo ng mga kasama para manalo tayo sa laro.
Minsan ito rin yung nagiging daan para magkaroon ng bonding ang mga magkakapatid, magkakaibigan at magkakaklase.
Nagiging simula rin ito ng usapan at pag-share ng mga interest sa bawat character or level.
Pero dapat gabayan pa rin ng mga magulang ang kanilang mga anak.
May mga akmang laro para sa bawat edad. Nararapat din na
mapahalagahan pa rin ang pag-aaral at ang totoong pagkakaibigan.
Hindi dapat basta-basta na lamang maging kampante sa pakikipaglaro.
Mahalagang gamitin nang tama ang pag-iisip para malaman kung
alin ang maaaring makapahamak at makasama sa ating sarili.
Kaya dapat may disiplina sa paglalaro. Tamang balanse ng pag-aaral at paglalaro. Ganun din sa pagtatrabaho at paglalaro. At higit sa lahat tamang balanse sa oras ng paglalaro at sa quality time kasama ang pamilya.
And last, we could learn to
Become more Strategic
Sa online games, kailangan alam natin ang bawat skills.
Alam dapat natin ang weaknesses and strengths ng mga characters.
Para alam natin kung paano bumuo ng plano.
Kailangan alam natin ang tamang combination para maging advantage natin ang bawat isa at manalo sa game.
Natututunan natin kung saan tayo dapat sumugod at kung kailan tayo dapat umatras.
May mga rules din sa bawat laro. Kaya kailangan nauunawaan ito ng bawat players. Mahalagang naiintindihan ito dahil maaaring makaapekto ito sa sariling laro at sa ibang players.
Kung titingnan natin, halos ganito rin ang totoong mundo natin.
Kailangan may rules at kailangan marunong mag-strategize.
Dahil ang totoong character natin ay may totoong mundong ginagalawan.
“Araw-araw para tayong nasa game…
Kailangan natin sumunod sa rules para walang gulo
at kailangan natin malaman ang tamang strategy para manalo.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anu-ano ang iyong pananaw sa online games?
- Paano ka lumaban sa laro at makisama sa ibang players?
- Gaano mo kakilala ang iyong sarili para malaman ang pagkakaiba ng iyong character bilang isang online player at bilang isang totoong tao?
====================================================
WHAT’S NEW?
IPON PA MORE KIT DIGITAL for only P899 instead of P1,098
To order, go to https://lddy.no/8wsr
IPON PA MORE KIT BOXSET for only P899 instead of P1,349
To order, go to https://chinkeetan.com/ipmkit
MASTER PROSPECTOR LIVE SEMINAR for P599 (early registration)To register, go to https://chinkeetan.com/prospector
CHINKTV ALL ACCESS (8 ONLINE COURSES)
for only P1,598 instead of P6,392
To register, go to https://lddy.no/8vbk
How to Retire Before 50
Be A Virtual Professional
Secrets of Chinoypreneur
Happy Wife Happy Life Live Seminar
Happy Wife Happy Life Online Course
Juan Negosyante: Negosyo Now, Asenso Later
ONE YEAR Access!
=====================================================
NEW VIDEO
“NEGOSYO TIPS: START YOUR OWN BUSINESS IDEA NOW!”
Click here to watch➡➡➡https://youtu.be/mphyGNqs0mU
=====================================================
CHINKEE TAN SHOP
Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkitIponaryo Planner Kit: chinkeetan.com/iponaryoplannerMoneykit with 12 books FREE: chinkeetan.com/moneykitOther products: chinkshop.comOther online courses: chinktv.com
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.