Para sa mga brothers natin d’yan! Alam kong marami rin
ang mahilig manood ng basketball sa inyo.
Tamang-tama napapanahon na rin ito.
Kaya para sa mga ama, asawa, boyfriend…
Para sa atin ito.
“Aling mga teams ang pasok sa playoffs?”
“Sinu-sino ang magiging All-NBA Team sa season na ito?”
“Ano ang mas malakas, ang East ba o ang West?”
Pero hindi lamang hilig natin sa basketball ang pag-uusapan dito.
Nakikita ko kasi na ang buhay natin parang basketball.
Kaya kailangan alam natin ang bawat roles natin sa game.
The Coach
Kailangan alam natin ang game plan.
Lalo na kung may biglang ma-injure sa team.
“Naku, may bagong injured”
“Mukhang di na makakapasok ang team na ‘yan.”
“Malakas pa naman sana. Last season nakapasok sila.”
Sa buhay natin, lalo na bilang ama at asawa,
dapat may plan B tayo. Hindi pwedeng kapag nagkaproblema,
tanggapin na lang natin at magpapaluto na tayo.
Sa pamilya natin, kung may ‘di inaasahang emergency,
kailangan nating umisip agad ng paraan para masolusyunan ito.
Lalo na kung nakasalalay ang kinabukasan ng pamilya natin.
Kaya mahalaga na maaga pa lamang ay may nakahanda na tayo.
May maayos tayong trabaho at hanapbuhay
at may ipon tayo para sa ating pamilya o magiging pamilya.
The Player
(Photo from this link)
Kung sa basketball iba ang coach at ang player,
sa buhay natin, minsan tayo na ang coach,
tayo na rin ang kailangan na maging player.
Hindi ito ang player na paglalaruan lamang ang damdamin ng mga kababaihan. Ito ang Team Player na role natin.
Sa isang relasyon, kailangan ka-team natin ang atingasawa o girlfriend. Dapat alam natin kung kailan ipapasa
sa kanila o kung kailan sa atin ang bola.
Ang bola dito parang pagdedesisyon, team tayo kaya pareho
tayo na alam kung saan dapat papunta ang bola.
Pero minsan, kailangan may isa na mas may hawak at kontrol nito.
Hindi naman dapat lagi tayong bakaw.
Alam din dapat natin na minsan, kailangan nating ipasa.
At kailangan parehong buo at may tiwala tayo sa ka-team natin.
The Referee
Hindi sila ang star ng game.
Pero mga respetado rin sila sa loob ng court.
Well, kahit minsan marami silang natatanggap na kung
anu-anong salita mula sa player at coach.
Pero ito ang kailangan nating tandaan.
Hindi natin kailangan pagsalitaan nang masasakit
at masasamang salita ang ating asawa, anak o kasintahan.
Mahalaga na may respeto tayo sa kanila.
Alam natin ang rules ng game, kaya tayo ang
tatawag ng foul. Tayo na mismo ang aawat sa gulo.
Minsan maaaring may mali tayong foul na matatawag.
Parang sa isang relasyon, may anggulo tayo na akala natin tama.
At sa ganitong punto, dapat may pag-uusap.
Hindi maaaring sarado ang ating isipan at
hayaan na lamang ang sitwasyon. Mahalaga na may paninindigan,
ngunit kailangan din na ito ay tama.
“Ang buhay ay isang basketball, iba-iba man ang ginagampanan, iisa pa rin ang goal. Kaya kailangan alam natin kung paano lumaban.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano ang ultimate goal mo sa buhay?
- Gaano mo kagustong manalo sa iyong laban?
- Paano mo pinaghahandaan at pinagpaplanuhan ang bawat laro ng iyong buhay?
====================================================
WHAT’S NEW?
IPON PA MORE KIT DIGITAL for only P899 instead of P1,098
To order, go to https://lddy.no/8wsr
IPON PA MORE KIT BOXSET for only P899 instead of P1,349
To order, go to https://chinkeetan.com/ipmkit
MASTER PROSPECTOR LIVE SEMINAR for P599 (early registration)To register, go to https://chinkeetan.com/prospector
CHINKTV ALL ACCESS (8 ONLINE COURSES)
for only P1,598 instead of P6,392
To register, go to https://lddy.no/8vbk
Ipon Pa More
How to Retire Before 50
Be A Virtual Professional
Secrets of Chinoypreneur
Benta Benta Pag May Time
Happy Wife Happy Life Live Seminar
Happy Wife Happy Life Online Course
Juan Negosyante: Negosyo Now, Asenso Later
ONE YEAR Access!
=====================================================
NEW VIDEO
“NEGOSYO TIPS: START YOUR OWN BUSINESS IDEA NOW!”
Click here to watch➡➡➡https://youtu.be/mphyGNqs0mU
=====================================================
CHINKEE TAN SHOP
Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit
Iponaryo Planner Kit: chinkeetan.com/iponaryoplanner
Moneykit with 12 books FREE: chinkeetan.com/moneykit
Other products: chinkshop.com
Other online courses: chinktv.com
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.