I did my own survey and for over hundreds of responses,
many would want to succeed to become rich because
most of these people would want to help their family and loved ones.
“Para maiahon ko sa hirap ang aming pamilya”
“Para magkaroon ng magandang kinabukasan ang aming mga anak”
“Para mapagamot ang aking asawa”
Ilan lamang ito sa mga dahilan.
And let’s face it, we all want to be rich to become
a blessing to our loved ones.
Mayroon akong nakasama noon sa isang training.
Sabi n’ya: “Kung pinanganak kang mahirap, hindi mo kasalanan yun.
Pero kung tumanda ka na lang at mahirap ka pa rin, may pagkakamali na.”
Lahat tayo ay may kanya-kanyang pinagdadaanan,pero lahat din tayo ay may kakayahan upang patakbuhin
ang ating buhay patungo sa ating pangarap.
Kaya gusto kong ibahagi sa inyo ang mga 3 sangkap
para maging matagumpay sa buhay.
PROPER MINDSET
“Paano kaya siya nagtagumpay?”
“Bakit kaya yung business n’ya pinupuntahan ng mga tao?”
“Ano kaya ang ginawa nila?”
Marami sa atin ang naghihintay na lamang.
Oo… naghihintay na lang ng himala o kaya magic
para malaman ang sikreto ng tagumpay ng ibang mga tao.
Pero dapat tayo mismo ang kumilos para malaman
ang mga paraan upang maging matagumpay.
Imbes na tingnan natin sila, tanungin natin ang ating sarili:
“Anu-ano ang mga kailangan kong matutunan para
madagdagan ang aking kaalaman?”
“Paano ko gagamitin ang aking kaalaman para magtagumpay?”
Mahalaga na hindi lamang tayo naghihintay na abutan ng grasya.
Tayo ang kikilos para lumawak pa ang ating nalalaman
at maging blessings din sa iba.
Kaya importante ang..
HARD WORK
Marami sa atin ang tumataya ng lotto at umaasa na mananalo.
Magiging milyonaryo at bigla na lamang magiging mayaman.
Gusto kasi natin ng instant eh.
Kaya ang iba naloloko rin ng scam.
Umaasa na after one month, doble agad yung tubo o kaya kita
tapos itataya lahat ng ipinundar para lamang dito.
Nage-gets n’yo? Ang tagumpay at pagyaman ay hindi instant.
Hindi ito biglang mangyayari na lang kinabukasan.
Dahil kailangan itong paghirapan at bigyan ng sipag at tiyaga.
Naiinip kasi tayo agad eh.
Wala tayong patience kaya gusto natin, agad-agad.
Kakatanim pa lang, gusto may makita na agad na bunga.
Ilang taon ba ang ibinuhos nilang panahon para sa pag-aaral?
Ilang taon na ba ang business nila bago naging matibay?
Ilang taon ba nila ipinundar ang kanilang magandang bahay?
You see? May mga sakripisyong kailangan gawin
upang magtagumpay sa ating pangarap.
Maaaring hindi ito madali, kaya dapat ding matibay ang ating
FAITH
Faith is not only hoping that something good will happen.
Faith is believing and expecting that it will happen.
Faith is believing in something even if others don’t.
Kaya kailangan fully convinced tayo sa ating sarili
na mangyayari ang pangarap natin at
hindi tayo magpapadala sa takot at pangamba.
Naniniwala ako na lahat tayo ay may faith
pero ang pagkakaiba na lamang ay
kung saan at kung kanino natin ilalagay ang ating faith.
Kaya naman mahalaga na ibigay natin ito sa Panginoon
because
“Putting our faith in God is the real source of success
with proper setting of mind and constantly giving our best.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano ang iyong pinakamimithing pangarap?
- Sinu-sino ang mga kasama mo sa pag-abot ng iyong pangarap?
- Gaano ka kadeterminado para abutin ang iyong pangarap?
====================================================
WHAT’S NEW?
IPON PA MORE KIT DIGITAL for only P899 instead of P1,098
To order, go to https://lddy.no/8wsr
IPON PA MORE KIT BOXSET for only P899 instead of P1,349
To order, go to https://chinkeetan.com/ipmkit
MASTER PROSPECTOR LIVE SEMINAR for P599 (early registration)To register, go to https://chinkeetan.com/prospector
CHINKTV ALL ACCESS (8 ONLINE COURSES)
for only P1,598 instead of P6,392
To register, go to https://lddy.no/8vbk
Ipon Pa More
How to Retire Before 50
Be A Virtual Professional
Secrets of Chinoypreneur
Benta Benta Pag May Time
Happy Wife Happy Life Live Seminar
Happy Wife Happy Life Online Course
Juan Negosyante: Negosyo Now, Asenso Later
ONE YEAR Access!
=====================================================
NEW VIDEO
“NEGOSYO TIPS: START YOUR OWN BUSINESS IDEA NOW!”
Click here to watch➡➡➡https://youtu.be/mphyGNqs0mU
=====================================================
CHINKEE TAN SHOP
Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit
Iponaryo Planner Kit: chinkeetan.com/iponaryoplanner
Moneykit with 12 books FREE: chinkeetan.com/moneykit
Other products: chinkshop.com
Other online courses: chinktv.com
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.