Bakit ba kailangan natin mag-invest?
Saan ba dapat mag-invest?
Paano mag-invest ng pera?
Ilan lamang ito sa mga katanungan tungkol
sa investment. Kaya naisipan kong gawin itoupang mas lumawak ang inyong kaalaman.
Kailangan natin mag-invest at matuto nito
para mapalago ang ating pera at maihanda
ang ating sarili sa future lalo na ang ating pamilya.
The earlier we invest, the better. Kaya ‘wag na nating |
antayin na may mangyari pa at tumanda na tayo
bago natin ma-realize na sana nag-invest tayo.
So ilan sa mga pwedeng paglaanan ng investments ay ang
REAL ESTATE
“Eh daming nalulugi d’yan!”
“Di naman totoo yan. Dagdag gastos pa!”
“Masyadong malaki ang ilalabas na pera d’yan.”
Maraming nalulugi dahil hindi nila alam kung ano ang pinasok nila. Kaya kailangan ay legal ang developer at alam natin ang market value sa lugar.
Ang bahay na titirhan natin ay hindi isang investment.
Dahil ang investment ay may bumabalik
na profit mula sa binili nating property.
Kaya ang tinutukoy ko dito ay ang mga condominium,
townhouse or apartment na maaaring paupahan
sa ibang tao at may papasok na profit mula dito.
Kailangan lamang alam natin pumili ng tamang
lugar tulad ng malapit ba ito sa paaralan, o kaya
hospital o kaya naman sa mall or mga opisina.
Isa pang pwedeng investment ay ang
MUTUAL FUND, UITF or STOCK MARKET
Ito naman may bibilhin tayong shares or unit
mula sa investment companies, bank or private companies at palalaguin ito over time.
So tandaan lamang na ang pera na ilalagay sa investment
ay pera na hindi natin kailangan i-withdraw agad
dahil ang investment na ito ay pang long term.
Meaning kailangan nating ilagak ang ating pera
for about 10 years or more. Kaya bagay ito para sa
retirement fund, medical fund or inheritance fund.
Tandaan lamang na dapat legit ang lalapitan nating
broker or bank manager para hindi tayo maloko.
Sa mutual fund, kailangan ay under ng SEC ang company.
Sa bank naman ito ay under ng BSP at sa Stock Market
naman, piliin ang mga blue chip companies tulad ng
nasa food industry, mall/commercial industry at utility industry.
Sa mga private companies na ito, they help us
grow our money higher compared to the usual
savings account or time deposit account.
Ang susunod naman ay may life protection, ito ang
VUL (VARIABLE UNIVERSAL LIFE)
Ito ay combination ng life insurance + investment.
Kaya may protection coverage at may investment
sa mutual fund. Para saan naman ito?
Ito ay mahalaga lalo na sa mga bread winner
para in case bigla tayong mawala, hindi natin
iiwanan ang pamilya natin na hirap at baon sa utang.
Long term din ito at for a certain period, once
ma-reach natin, may guaranteed payouts at may
investment din na kasama kaya lalago rin ang pera.
Tandaan lamang na kailangan ay legal din ang broker at
companies na paglalaanan natin sa investment na ito at
huwag magpadala sa excitement at emotions.
I also have to say na sa lahat ng mga ito, mayroong RISK.
The value can go up or can go down. Kaya kailangan
ang perang ilalagay sa mga ito ay purely for investment.
Hindi pwede yung pambili ng grocery or pambayad sa
kuryente ang ilalagay dito. This is purely saving
over a long period of time for our future.
Dahil sa investment
“We don’t just invest money to make our family secure,
but we also invest time for our better future.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Kailan mo sisimulan ang pag-iinvest?
- Gusto mo bang palawakin pa ang iyong kaalaman sa investment?
- Gusto mo bang protektahan ang iyong pamilya at paghandaan ang iyong retirement?
=====================================================
WHAT’S NEW?
IPON PA MORE KIT DIGITAL for only P899 instead of P1,098
To order, go to https://lddy.no/8wsr
IPON PA MORE KIT BOXSET for only P899 instead of P1,349
To order, go to https://chinkeetan.com/ipmkit
CHINKTV ALL ACCESS (8 ONLINE COURSES)
for only P1,598 instead of P6,392
To register, go to https://lddy.no/8vbk
Ipon Pa More
How to Retire Before 50
Be A Virtual Professional
Secrets of Chinoypreneur
Benta Benta Pag May Time
Happy Wife Happy Life Live Seminar
Happy Wife Happy Life Online Course
Juan Negosyante: Negosyo Now, Asenso Later
ONE YEAR Access!
=====================================================
NEW VIDEO
“NEGOSYO TIPS: START YOUR OWN BUSINESS IDEA NOW!”
Click here to watch➡➡➡https://youtu.be/mphyGNqs0mU
=====================================================
CHINKEE TAN SHOP
Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit
Iponaryo Planner Kit: chinkeetan.com/iponaryoplanner
Moneykit with 12 books FREE: chinkeetan.com/moneykit
Other products: chinkshop.com
Other online courses: chinktv.com
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.