Maraming kaganapan ang
nagpapabago sa ating pananaw sa buhay
at sa ating sarili na rin mismo.
Isa na dito ang kabiguan sa ating buhay.
Sa ganitong bahagi ng buhay, nakikilala
natin ang ating sarili at ang ating kakayahan.
Pero minsan dahil din sa kabiguan, natatakot
na tayong sumubok muli at mas pinipili na lang
natin ang huminto o i-give up ang ating gusto.
Pero sa kahit na anong pasakit man at kalungkutan,
kailangan ay hindi tayo sumusuko at hindi tayo
agad na aayaw sa pagtupad ng ating pangarap.
Because failure in life has its own
GOOD REASON
“Pang-ilang relasyon ko na ito. Hiwalay na naman.”
“Di na naman ako nakapasa sa exam.”
“Hindi na naman gumana ang business na ito.”
Kailangan nating alamin ang root cause ng ating failures
sa buhay. Kahit gaano pa man ito kahirap o kasakit,
kailangan natin ito bilang bahagi ng learning natin.
Kapag hindi kasi natin nalaman ang ugat nito,
mauulit at mauulit ang parehong sitwasyon at
mauuwi lamang tayo sa regrets.
“Sana pinakasalan ko s’ya.”
“Sana pinili ko kung ano ang talagang gusto ko.”
“Sana inalam at inaral ko muna ang lahat tungkol dito.”
Huwag nating isipin kung gaano ito kahirap,
dahil panghihinaan lamang tayo ng loob. Mahalaga,
malaman natin para hindi tayo mapuno ng regrets.
Because regrets can stop us to push ourselves for success and happiness. So we need to believe para makapagsimula muli at maging
BETTER PERSON
Yes. Failures allow us to know ourselves better
and it also give us room for improvement. Dahil
dito, nabubuo ang ating sariling character.
Nalalaman natin ang ating mga sariling kakayahan
at kung ano ang dapat nating baguhin sa sarili
upang mas maging mabuting tao tayo.
Life itself is a process. Para makilala natin ang ating
sarili, we just need to compare our self in the past
and our self that we want to be in the future.
And that’s the time we can know who we really
are in the present. Dahil kapag nakilala natin
ang ating sarili, we can succeed in our lives.
At ang bawat success stories ay may back
stories, kaya mahalaga na pinaghihirapan ito
dahil nandito ang sarap ng katas ng tagumpay.
Success also is a process, and failure whether we
like it or not, is part of it. So we just need to be
patient so we can cherish the fruit of our own success.
And we can have our life with its own
BEST VERSION
Iwasan na ang mga what ifs sa buhay hangga’t
maaari upang matulungan ang ating sarili sa
pagkamit ng tagumpay at kaligayahan.
“What if binalikan ko s’ya?”
“What if hindi ito ang landas na tinahak ko?”
“What if may iba akong ginawa?”
Huwag nating sayangin ang ating oras para lamang
sa mga what ifs. Simulan na nating kumilos.
Let’s all move forward and never quit.
Hindi tayo titigil magmahal dahil lamang nasaktan
tayo noon. Hindi tayo titigil gawin ang gusto natin dahil
lamang sa pagkakamali natin noon.
At higit sa lahat hindi tayo titigil sa pag-abot ng
ating pangarap dahil lamang bumagsak tayo noon.
Simulan nating gamitin nang tama ang ating oras.
Ipagpatuloy ang ating hangarin na maging
masaya at successful dahil sariling buhay
natin ito at tayo mismo ang kailangan kumilos para dito.
“Kahit gaano kasakit ang ating pagkabigo,
makakabangon lamang tayo kung hindi tayo susuko.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anu-ano ang mga pumipigil sa ’yo ngayon?
- Paano ka hinubog ng iyong kabiguan sa magandang paraan?
- Gaano ka kahandang ipagpatuloy ang iyong mga nasimulan?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.