May kilala ka bang Asiong Aksaya?
Baka ikaw na pala ito! Kailangan nating alamin
at kilalanin ito para mabago ang ugaling ito.
Napakahirap sa pamilya kapag hindi tayo parepareho
ng ginagawa kapag may goals tayo lalo na sa
pagtitipid ng kuryente, tubig, pera, oras at iba pa.
Kaya mahalagang malinaw sa lahat ng miyembro
ng pamilya ang goal natin at kung para saan ang
ginagawa nating pagtitipid ng mga bagay at gawain.
Hindi lamang tayo nagiging disiplinado sa buhay,
nakatutulong din tayo sa ating kalikasan at sa
ibang mga tao sa ating pamayanan.
Kaya kailangan iwasang maging..
ASIONG AKSAYA NG PAGKAIN AT INUMIN
Mahalaga ang pagkain at inumin dahil
ito ang source of energy natin. Pero nararapat
na lutuin lang natin ang sapat para sa ating pamilya.
Ito rin ay upang ‘di masayang lamang ang ating
pagkain at hindi tayo magtatapon lang ng
pagkain dahil nasira na ito.
Isa rin kapag nasa handaan, napakadami kung
kumuha ng pagkain, parang mauubusan na
kaya grabe punong-puno ang plato.
Tapos hindi naman pala mauubos o kaya
pipilin lamang ang mga rekado na kakainin dito
at iiwan na lang mga mga natira at itatapon.
Pati sa mga inumin tulad ng gatas o kaya mga ready
made juice na inaabot na lang ng expiration date, hindi
na naalala at hanggang sa masira na lang.
Kailangan nating iwasan ang ganitong gawain
dahil sayang din ito sa pera natin at hindi rin tama
na makasanayan ito lalo na ng mga anak natin.
Kaya kailangan baguhin at iwasan rin si..
ASIONG AKSAYA NG PANAHON AT ORAS
Ito naman yung halos kinatatamaran na ang lahat
ng bagay sa mundo, hindi man lamang tumulong sa
gawain sa bahay at nagsasayang ng oras.
Time is gold ‘di ba? Kaya hindi rin dapat natin sinasayang
ang oras natin sa pakikipagtsismisan at panonood
lang ng tv. Hindi nagiging productive ang buhay natin.
Ok lang naman manood syempre, lalo na kung
kailangan magpahinga. Pero kung buong araw ay
nanonood lang ng tv o kaya naglalaro, aksaya na ito.
Kahit ang mga anak natin kailangan natin silang
turuan maging productive. Turuan natin silang gumawa
at tumulong sa ating tahanan para matuto rin sila.
Hindi ibig sabihin na may kasambahay tayo ay
wala nang gagawin ang ating anak at hayaan na
lamang lumipas ang panahon at oras.
Kailangan maunawaan din nila na lahat ng miyembro
ng pamilya ay may mga responbilidad at kailangan
magtulungan ang bawat isa para maging mas maayos.
Isa pa nating kailangan iwasan ay si..
ASIONG AKSAYA NG TUBIG AT KURYENTE
Grabe sobrang init ngayon. Tapos may scheduled
brownout pa at water interruption kaya mas lalong
ramdam ang init sa bahay at sa ating kapaligiran.
Kaya mahalaga talaga na hindi rin tayo nagsasayang
ng tubig at ng kuryente. Mahalaga na magtulungan
ang bawat mamamayan sa pagtitipid ng mga ito.
Ang dahilan ng kawalan ng tubig at kuryente ay
dahil sa panahon na rin, nanunuyo agad ang ating
dam kaya nauubusan ng supply para sa atin.
Kaya nararapat lamang na gamitin lamang ang
tubig at kuryente kung talagang kinakailangan at
huwag itong hayaang iwan na nakabukas.
Hindi lamang tayo nakatipid sa ating consumption at
pera, nakatulong din tayo sa ating pamayanan para
maiwasan ang energy at water interruption sa lugar natin.
“Kailangan baguhin at iwasan si Asiong Aksaya
upang ang buhay ay bumuti at mas sumaya.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Paano ka nakatutulong sa pagtitipid sa inyong pamilya?
- Anu-anong mga gawain ang iyong iiwasan simula ngayon para hindi maging Asiong Aksaya?
- Gaano kahalaga sa iyo at sa iyong pamilya ang pagtitipid?
=====================================================
WHAT’S NEW?
IPON PA MORE KIT DIGITAL for only P899 instead of P1,098
To order, go to https://lddy.no/8wsr
IPON PA MORE KIT BOXSET for only P899 instead of P1,349
To order, go to https://chinkeetan.com/ipmkit
CHINKTV ALL ACCESS (8 ONLINE COURSES)
for only P1,598 instead of P6,392
To register, go to https://lddy.no/8vbk
Ipon Pa More
How to Retire Before 50
Be A Virtual Professional
Secrets of Chinoypreneur
Benta Benta Pag May Time
Happy Wife Happy Life Live Seminar
Happy Wife Happy Life Online Course
Juan Negosyante: Negosyo Now, Asenso Later
ONE YEAR Access!
=====================================================
NEW VIDEO
“NEGOSYO TIPS: START YOUR OWN BUSINESS IDEA NOW!”
Click here to watch➡➡➡https://youtu.be/mphyGNqs0mU
=====================================================
CHINKEE TAN SHOP
Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit
Iponaryo Planner Kit: chinkeetan.com/iponaryoplanner
Moneykit with 12 books FREE: chinkeetan.com/moneykit
Other products: chinkshop.com
Other online courses: chinktv.com
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.